Tsapter TRI

ANG MAYABANG AT ANG PRINSIPE

(Moe’s pov)

nakapagpahinga na rin sa wakas. nakakapagod. pero masaya pa rin ang araw na to. maliban sa marami agad akong nakilalang chicks, may mapagtitripan na naman ako agad. haha  ano nga palang pangalan nun ni ms sungit?


Julie. hahaha Julie nga pala siya,

sa totoo lang hindi naman siya pangit. matangos ang ilong niya. mapuputi at pantay- pantay ang mga ngipin. nang lapitan ko siya kanina napansin ko rin na ang ganda ng mga mata niya. yung tipong hindi nakakasawang titigan. at ang kinis ng mukha. 

maganda siya kung tutuusin.

makikipagkilala naman talaga ako dapat sa kanya kanina nung lumapit ako sa kanila ni Maqui. kaya lang…



Maqui: e bakit ganyan ka makasalita? heheh ikaw rin naman kasi ang may kasalanan Japs. masyado ka kasing assuming. ayan tuloy napahamak ka. curious lang ako, ano bang itsura niyang Moe na iyan? gwapo ba? ha Japs? ano?!
Japs: si Moe? matangkad siya, medyo maputi. pero gwapo?! no way!! haha mayabang? oo naman! to the highest level! napakaantipatiko at higit sa lahat,
 


kaya ayun, mas pinili ko na lang na asarin pa siya lalo. aba! mukhang siya lang ata ang babaeng nagsabing hindi ako gwapo ah!

humanda siya saken!


(Sam’s pov)

isang linggo na rin pala ang nakalipas nang magsimula ang klase. at isang linggo na rin simula ng makilala ko si Japs.

nakakatuwa siyang kasama. madalas na kung anu-anong bagay na lang ang pinaguusapan namin. pero masaya pa rin ako kahit na ganun.

hehe sa totoo lang makita ko lang siya masaya na ko. 

Japs: hi Sam! wala pa si prof?

andito na pala siya.

Sam: you’re just in time. paparating pa lang siya oh.
Japs: mabuti naman
Sam: okay ka lang ba?
Japs: hindi nga e. medyo masama ang pakiramdam ko.
Sam: gusto mo bang umuwi na? ihahatid kita sa dorm niyo.
Japs: no thanks. ayos lang ako. kaya ko to! :)
Sam: sure?


tumango na lang siya. sana nga okay lang siya. pero napansin ko na madalas ang paghawak niya sa may bandang tiyan niya habang nagkaklase kami. hanggang sa matapos ang klase namin..

Sam: okay ka lang ba talaga? ui Japs?
Japs: oo naman., lika na sa canteen, gutom lang siguro to..

nauna na kong tumayo sa kanya nauna na ring pumunta sa may pintuan nang biglang sumigaw si Moe mula sa likod.

Moe: miss sungit, may dalaw ka ata ngayon.
Japs: ano?


(Julie’s pov)

anong na naman ba tong pinagsasasabi nitong lalaking to?

Moe: sabi ko may dalaw ka.

tumingin tingin ako sa paligid. dalaw? nasaan? tumawa na lang si Moe.

Japs: hoy Moe, kung isa na naman to sa mga kalokohan mo, tigilan mo na dahil wala akong panahon sa mga ganyan ngayon.

pagtalikod ko narinig kong biglang nag-usap-usap ang mga tao sa klase. nilingon ko uli sila at nakita ko naman na kanya-kanyang bulungan ang mga kaklase ko.

ano toh? ako na naman bang pinag-uusapan nila?

Moe: Japs, hindi ako nagbibiro. may dalaw ka talaga ngayon. 
Japs: close tayo? wag mo nga kong matawag tawag na Japs dahil hindi tayo magkaibigan noh! at hinding-hindi tayo magiging magkaibigan! tandaan mo yan!
Moe: okay. okay. wag kang highblood. sinabi ko lang naman—
Japs: ano bang dalaw yang pinagsasasabi mo ah?

tawanan silang magbabarkada sa likod.

Moe: hindi mo ba talaga maintindihan? miss sungit, may tagos ka. at kitang-kita yun sa palda mo. 

kinapa ko ang palda ko at nang tingnan ko ito, shet! oh no! may tagos nga ako. namalayan ko na lang na itinatali na ni Sam ang suot niyang jacket sa beywang ko. 

Sam: o isuot mo muna yan. hindi mo dapat ginawa sa kanya yun Moe.
Moe: bakit? masama bang ipaalam sa kanya na may tagos siya? mabuti nang malaman niya habang maaga kesa mapahiya pa siya sa mas maraming tao paglabas niyo. 
Sam: maski na. pwede namang sa kanya mo lang sabihin yun.
Moe: sa ayoko e. may magagawa ka?

at nakalapit na pala si Sam kay Moe.

Sam: wala ka talagang respeto sa babae.

at sinapak ni Sam si Moe. na ginantihan naman ni Moe ng suntok rin. hala! teka! away to! dapat tong pigilan! 

Japs: tama na nga yan! Sam, umalis na tayo dito. wag mo nang patulan yang bastos na yan. pinabababa mo lang ang sarili mo.
Sam: wag mo na uling babastusin sa Julie dahil kapag nalaman kong ginawa mo uli yun sa kanya, hindi lang yan ang aabutin mo.

at niyaya ko nang umalis si Sam. pero bago pa kami makalabas, nagsalita pa uli si Moe.

Moe: wala kang pakialam! hindi ikaw, hindi si Julie at hindi ang kahit na sinuman ang pwedeng magsabi ng mga dapat at hindi ko dapat gawin! wala kayong pakialam! gagawin ko ang lahat ng gusto ko!

at tuluyan na kaming umalis ni Sam ng kwarto. 


END OF CHAPTER 3

  1. allaboutjulieanne posted this
Short URL for this post: http://tmblr.co/ZiR_XvJU7mp2