Tsapter POR

ANG MULTO (AWOOOO!!)

(Julie’s pov)


nakaka-ilang buwan na rin kami sa university na ito. well masaya pa rin naman. lalo kaming nagiging close ni Sam. at lalo naman kaming nagiging magkaaway ni Moe.

nandito kami ni Maqui sa canteen. actually hindi lang kaming dalawa. kasama namin ang iba pa naming kaibigan na gaya namin ay taga-dorm din.

friend1: ui alam niyo ba kung anong latest ngayon sa college natin?
friend2: aba naman at talagang updated ka pagdating sa mga chismis na ganyan ah!
Maqui: ano bang meron?

friend1: may nagpapakita daw sa library naten tuwing gabi…
Japs: hahaha!!! baka naman yung librarian lang natin yun na kamukha ni majinboo!! haha
friend1: hindi yun. may nakapagsabi saken na may multo daw dun.
friend3: oo nga. kinwento na rin saken yan ng kaklase ko nung isang araw. habang nagreresearch daw siya ay may kung anu-anong mga tunog siyang naririnig.
Maqui: hala Japs, nakakatakot naman yun! ayoko nang pumunta ng library!
Japs: tungak! e hindi ka namn talaga nagpupunta ng library e!! haha

at ayun, puro horror stories na ang napag-tripan naming pag-usapan.

kinabukasan, maaga akong pumasok sa klase. as usual, marami na agad tao. at nandon na rin si Sam. ang aga-aga niya laging pumasok. hehe

Japs: ui kumusta? aga mo na naman. 
Sam: ayos lang. ui nagawa mo na ba yung paper na pinapagawa ni prof para sa english?

Japs: hindi pa nga e. ikaw?
Sam: hindi pa rin. hehe 
Japs: ang sipag natin. haha
Sam: e kelan mo balak gawin?
Japs: hindi ko alam.. next week pa naman pasahan nun e. baka bukas na lang. punta na lang siguro akong library bukas. 
Sam: sa library?
Japs: oo bakit?
Sam: e di ba may multo daw dun?
Japs: sus! pati ba naman ikaw nagpapapaniwala sa mga ganun? haha
Sam: hh-hindi noh! anu kasi, ahh, concern lang ako. bbb-baka mahimatay ka dun bigla pag may nagpakita sayo! hehe
Japs: palusot ka pa. marami rin ako nyan. hehe

so yun na nga, kinabukasan pagkatapos ng lahat ng klase ko, pumunta ako ng library. siguro bandang 6 pm andon na ko. 

litse! ang hirap naman hanapin nung librong yun.. makapagtanong na nga lang kay majinboo.. hehe yung librarian namin.. ;p

Japs: mam san po ba makikita tong mga librong ito?

sabay pakita ko sa kanya nung papel kung san nandun ung list ng mga librong kelangan ko..

librarian: itong isang to, andun sa may dulo. tapos itong dalawang ito, medyo luma na kasi e. kung wala dun sa bandang yun, punta ka sa may kwartong andon sa dulo. andun lahat ng mga lumang files, articles, newspapers at books. baka andun. 
Japs: ah… salamat po.

ang gulo. pero sige hanap lang.. nahanap ko na yung isang kelangan ko. pero yung dalawa, hindi ko pa rin nakita. so punta ako sa may lumang kwarto na tinuro niya.

medyo malaki din yung room. pwedeng magtaguan dito. hehe kaya lang medyo creepy naman dito. nakakatakot!!!

nagsimula akong maghanap sa may unang row ng shelves. 

*blag!*

hala anu yun! 

Japs: excuse me?! may tao po ba dyan? 

wala namang sumagot.. baka naman imagination ko lang yun. sige Julie.. hanap lang ng hanap. tiningnan ko ang relo ko, naku, 6:52 pm na pala. 8mins na lang magsasara na tong library. Japs, hanap lang. go! kaya mu yan!

maya-maya…

*blag!*

hala may kumalabog na naman! oh no! nakakatakot na dito. kelangan ko ng umalis dito!! wAaAaaaa!!!!!!!!!!!  

bago ko buksan yung pinto at pihitin yung doorknob, napansin kong madilim na sa labas.. hindi kaya…

hala!! napagsarhan na ko ng library!! waaaa!!! 7:15 na pala!!! kaya naman pinihit ko na yung doorknob… 

hala!! no! hindi ko mabuksan! hala!!!! lord tulungan mo mo ko!! bakit ganito?! 
 

pinihit ko pa ulit. pero ganun pa rin. hindi pa rin mabuksan.

Japs: tulong!! may tao pa po dito!! buksan niyo tong pinto!!!


biglang namatay ang mga ilaw. pati ang aircon.. brown out ba? 

teka.. hindi kaya totoong may multo dito?!

Japs: tulungan niyo po ko!! may tao pa po dito!!! TULONG!!!

bakit naman ganito? ang hirap na ngang hanapin nung librong kelangan para sa paper ko tapos mukhang tuluyan pa kong nalock dito sa kwartong to. tapos dumilim at nagbrown out pa. buti sana kung may aircon, at least pwede akong matulog kahit na—-

*blag!* 

may kumalabog na namn. akala ko ba ako lang ang tao dito? bakit bigla ring lumamig.? e diba nagbrown out na nga? bakit—- teka.. hindi kaya may multo talaga dito?!

hindi kaya tama yung sinasabi ng mga kaibigan ko?

untiunti may nakita akong anyo ng tao. galing sa kabilang side ng kwarto. tapos papalapit saken. 

Japs: waaaa!!!!! lord wag naman ganito.. our father who—-

"hindi ka makakalabas ng kwartong to kahit ilang dasal pa ang gawin mo. bwahaha."

papalapit na siya ng papalapit saken! pinikit ko ang mata ko at patuloy pa rin sa pagdadasal. alam ko nasa harapan ko na yung multo. pero nagdasal pa rin ako. 

Japs: ….amen. 

binukas ko ang mata ko. wala na siya. sa wakas. 

"tapos ka na ba? ako naman…"

hala! kaya pala wala na siya sa harapan ko e nasa gilid ko na pala siya.

naramdaman kong may dumantay sa kaliwang balikat ko. syempre instinct ang umiral, kaya naman nasapak at nahampas ko ng libro yung multo.

"aray!"

teka? umaaray ba ang multo?!

"masakit yun ah!—"

pamilyar ang boses niya.. parang si—-

"—bat mo naman ako hinampas miss sungit?"

—Moe?!


END OF CHAPTER 4

  1. allaboutjulieanne posted this
Short URL for this post: http://tmblr.co/ZiR_XvJU97mZ