Tsapter PAYB

FRIENDS!?

(Moe’s pov)

Moe: aray! masakit yun ah! bat mo naman ako hinampas miss sungit?


taena. ang sakit ng ulo ko! anlakas naman humampas nito. parang hindi babae e.

Japs: Moe?
Moe: OO! ako nga! aray ansakit..
Japs: gago ka talaga! alam mo bang muntik na kong himatayin dahil sa ginawa mo? akala ko totoong may multo dito! 

at naramdaman kong umupo na siya..

Japs: wala ka na ba talagang ibang alam gawin kundi ang asarin at inisin ako? gusto mo ba talaga kong patayin sa nerbyos?

hala mukhang napaiyak ko ata siya ah..

Moe: Japs, hindi naman sa ganon„ ano kasi..
Japs: ano? masaya ka na? MASAYA KA NA BA? 

hala talagang umiyak na siya. ngayon lang ako nakakita ng babaeng umiiyak sa harapan ko. 

dapat natutuwa ako ngayon dahil yun naman talaga ang gusto ko kanina,e. 

ang matakot siya. 

pero bakit hindi ko magawang tumawa? 

parang gusto siyang yakapin hanggang sa tumahan siya…

(Julie’s pov)

hindi ko na talaga kaya to.. ayokong umiyak sa harapan niya pero hindi ko na kayang pigilan ang mga luhang umaagos mula sa mga mata ko. 

sobra na talaga siya. totoong takot na takot na ko kanina.

naramdaman kong umupo na rin siya malapit saken. 

Moe: Julie, sorry.

hmp! bahala siya! akala niya ganun lang kasimple yun?!

Moe: ui sorry na. hindi ko naman akalain na takot na takot ka na pala kanina.

paki ko sayo? hindi kita papansinin! 

Moe: ui sorry na talaga. pansinin mo naman ako o. hindi ko naman talaga sinasadyang takutin ka e. ay mali. sinasadya ko pala yun.kaya lang—
Japs: o kita mo na?! e di lumabas na rin ang totoo!! sinadya mo yung gawin!
Moe: e pero—
Japs: pero-pero ka pa dyan! sayo na mismo nanggaling, sinadya mo yun—
Moe: hindi nga e!
Japs: anong hindi? kakasabi mo nga—
Moe: patapusin mo kaya muna ko! makinig ka muna kasi. ganito yun. hindi ko naman akalain na pupunta ka rin pala dito sa kwartong to kanina. kaya ng pumasok ka, naisipan kong takutin ka. hindi ko naman akalain na masasaraduhan tayo ng library. tang-ina. amabagal mo kasi maghanap ng libro e. 
Japs: so kasalanan ko pa ngayon?!
Moe: makinig ka muna pwede? tapos ayun na nga, bigla pang dumilim. kaya naman binuksan ko yung bintana dun.

napatingin ako dun sa tinuro niya. may bintana mga dun. hindi ko yun napansin kanina nung pumasok ako. 

Moe: at ayun na nga ang nangyari.
Japs: hmp!

ewan ko sayo! bahala ka dyan!

Moe: aray! ang sakit ng ulo ko. ang lakas mo kasing humampas e!
Japs: you deserve that.
Moe: aray…

this time hawak-hawak na niya ang ulo niya. hala, ganun ba talaga kalakas yung pagkapalo ko sa kanya ng libro?

Japs: pwede ba tigilan mo na nga yan dahil hindi mo ko madadala sa mga arte mong ganyan.
Moe: aray ko. nahihilo na ata ako..

mukhang totoo na to ah! mukhang hindi na siya umaarte. anong gagawin ko?!

Japs: ui okay ka lang? masakit ba talaga? oh no! wala pa man din akong alam na first aid sa ganyan..

hindi ko alam ang gagawin ko. tumayo ako at muling nilapitan ang pinto.

Japs: TULUNGAN NIYO KAMI!!!


(Moe’s pov)

Japs: ui Moe, okay ka pa ba? lord, tulungan niyo po kami..

haha  nakakatawa talaga siya. ang bilis niyang utuin..

Moe: obvious bang hindi ako okay? aray..

with matching pagyuko pa yan para naman mas lalong magmukhang totoo. 

Moe: nahihilo na talaga ako..

hahahahaha!!! mukhang natataranta na si miss sungit. lumuhod na siya sa tabi ko at—

Japs: ui sorry na. nagulat lang naman ako kanina e.

—-at hinawakan niya ako. syempre nagulat din ako kaya iniangat ko ang ulo ko. lalo akong nagulat kasi nakita kong sobrang magkalapit na lang pala ng mga mukha namin. 

pu+*ng—ang ganda niya. kahit na medyo madilim sa kwartong to at yung liwanag lang na galing sa may bintana ang nagsisilbing ilaw namin, kitang-kita ko pa rin kung gano siya kaganda..

parang…

parang…

















parang gusto ko siyang halikan…

(Julie’s pov)


sobrang lapit na ng mukha ko sa kanya. naco-conscious naman ako.. hehe ;p nakakapaso siya tumingin..

shet! hawak ko pa pala ang mukha niya!

Japs: mukhang okay ka na naman.

tinanggal ko na nag kamay ko sa mukha niya at umuo ako malapit sa kanya.

Japs: sorry ha. nabigla lang ako kanina. 

hindi siya nagsalita. kaya naman naisipan kong tingnan siya. only to find out na nakatingin pala siya saken.!! nagulat ako sa reaksyon niya dahil bigla siyang—-

Moe: BWAHAAHAHAHAHA!!!!!

——bigla siyang tumawa!

Japs: ang sama mo tlaga! tinatawanan mo pa ko! gago ka talaga! hmp!
Moe: ibang klase ka rin pala talaga. ikaw pa tong nagsosorry saken..

ano daw?

Moe: ibig kong sabihin, ako dapat ang humingi ng tawad sayo. sorry sa ginawa ko kanina. sinadya kong takutin ka, pero hindi ko naman sinasadyang matakot ka ng ganon. 

seryoso na siya this time.

Moe: sorry talaga. 
Japs: okay lang yun. sorry din.

serious mode na talaga. ang tahimik namin. walang nagsasalita. siguro ilang minuto ring ganito. walang imik. basta tahimik lang talaga.

Moe: uhm sorry pala ulit.
Japs: okay na nga diba? nagsorry ka na kanina.
Moe: hindi para dun. sorry para dun sa mga ginawa ko sayo noon. sorry kasi pinagtripan agad kita nung first day. aisip ko sobrang gago nung ginawa kong yun sayo. 

si Moe ba talaga to? parang hindi siya…

Moe: sorry rin para dun sa araw na… alam mo na… nung meron ka.. basta sorry para sa lahat ng masamang ginawa ko sayo.

tinitigan ko lang siya. is this really happening?!

ang mayabang na si Moe ay humihingi na tawad?!

UNBELIEVABLE!!!!


(Moe’s pov)


tinitigan lang nya ko. maya-maya nagsalita na siya.

Japs: e lahat naman yun masama e!! hahahaha

at tumawa na siya.. tumawa na rin ako. 

Moe: lahat ba yun masama? hindi naman ata. hehe
Japs: ano ka? lagi mo kaya akong pinagtitripan.. haha
Moe: basta sorry. 
Japs: ok. 

ano daw? ayos na kami? 

Japs: ayos na. wala na saken yun. nagsorry ka na e. 

ngayon ko lang siya nakitang ngumiti saken. haha ang saya ng feeling.

Moe: miss ako nga pala si Moe. anong pangalan mo?

at inilahad ko yung kamay ko sa harap niya. yung tipong makikipagshakehands ako..

Japs: o ano yan? magkakilala na tayo. hindi na yan kailangan.
Moe: ano ka ba? ang kj mo naman e. ngayong bati na tayo, dapat simulan natin to mula sa simula. makipagcooperate ka na lang kasi.
Japs: haha sige na nga.
Moe: okay.. *ehem* miss ako nga pala si Elmo Moses Magalona. Moe for short. anong pangalan mo?

hinawakan niya ang kamay ko at..

Japs:Julie Anne San Jose. Japs for short. 

at ngumiti na siya ng pagkatamis-tamis!!!


END OF CHAPTER 5

  1. allaboutjulieanne posted this
Short URL for this post: http://tmblr.co/ZiR_XvJUBKBw