Tsapter SIKS

MASAMANG BALAK!?

(Julie’s pov)

Moe: magkwento ka naman

Japs: ano ikkwento ko?
Moe: kahit ano. pamilya mo, favorite color mo, food, tv show, kahit ano.
Japs: tinatamad ako.
Moe: bilis na. ngayong magkaibigan na tayo dapat man lang kahit papano may alam tayo sa isa’t-isa.
Japs: ang arte mo.
Moe: ang kj mo. kokontra ka pa e.
Japs: howkei. sige na nga. dalawa kaming magkapatid. ako at ang kuya ko. kya lang wala na siya ngayon e. nasa—
Moe: nasa langit na?!! naku sorry Japs, nalungkot ka pa tuloy. pasensya ka na—
Japs: anong nasa langit na?! pinatay mo naman agad kuya ko! 
Moe: e nasan siya?
Japs: nasa ibang bansa siya. dun kasi siya nagtatrabaho. 
Moe: ah… linawin mo kasi.
Japs: patapusin mo kasi ako.
Moe: o sige. tuloy. 

naku. tlaga naman.. kutusan ko tong mokong na to e.

Japs: sa ayun na nga. nasa ibang bansa siya. yung mga magulang ko naman, hiwalay na. nakatira ako sa nanay ko at yung tatay ko naman, nasa ibang bansa na rin. hindi ko na siya nakita simula nung maghiwala sila ni mama. matagal na yun. 11 years old pa lang ako. 
Moe: san ka ba nakatira?
Japs: sa novaliches lang.
Moe: ang lapit lang pala ng bahay niyo dito sa university natin, e bakit nagdodorm ka pa?
Japs: e kasi wala naman ako laging kasama sa bahay maliban sa mga maid namin. si mama kasi laging gabi na kung umuwi. laging busy. mas marami pa ang oras niya sa trabaho kesa saken.
Moe: kawawa ka naman pala.
Japs: asus.. ayos lang yun. sanayan lang yan.. 

(Moe’s pov)

kawawa naman pala talaga siya. lalo lang akong nainis sa sarili ko. 

ang dami na nga niyang problema tapos ganun-ganun na lang kung pagtripan ko siya..

Japs: ayos lang ako. pramis. 
Moe: sige sabi mo eh. ako naman 4 kaming magkakapatid. panganay ako. ung sumunod saken lalaki. tapos yung dalawa babae na. ang papa ko may-ari ng construction company sa batangas. dun na rin kami tumira kasi lumakas yung negosyo namin dun. kaya rin pala ako nag-civil eng’g kasi sabi ni papa saken daw niya ipamamana yung kumpanya.
Japs: ah… gusto mo naman tong course mo..
Moe: oo namn. idol ko si papa e. kahit pa nung minsan nagulat na lang kaming lahat ng sabihin niya na may kapatid daw kami sa labas. kasi diba, parang, napaka-okay naman nila ni mama. walang problema o kung anu man tapos biglang ganun, magpapakilala siya na may iba pa pala kaming kapatid.
Japs: kumusta sila ngayon? ang mama at papa mo?
Moe: ayos na sila. matagal na kasing nangyari yun. 3 palang kaming magkakapatid nung ipakilala ni papa yung ibang anak niya,. kahit naman kasi ganun yung nangyari ipinakita pa rin ni papa na mahal na mahal niya si mama. kaya ayun. buo pa rin ang pamilya. everybody happy.
Japs: buti pa kayo..

mukhang mali yung nasabi ko a. shet ang tanga ko talaga. bakit ko ba nasabi yun? 

nakalimutan kong hiwalay na pala ang parents niya.. 

Japs: kung sana nagawa rin nila mama at papa na magkaayos noon..
Moe: wag mo na masyadong isipin yun. pasensya ka na pala a. ang insensitive ko..
Japs: ayos lang.

natahimik na lang ako. hindi ko na kasi alam kung anung sasabihin e. baka naman kasi may masabi na naman akong masama. 

hinihintay ko siyang magsalita. kaya lang hindi na siya umimik.

ang tanga ko talaga. dapat iba na lang pala ang ikinwento ko..



(Julie’s pov)

hindi ko alam kung anong sasabihin. nalulungkot ako ngayon. 

naiinggit ako kay Moe. 
naiinggit ako dahil may masaya siyang pamilya. 
naiinggit ako sa kanya dahil kahit na nagkaproblema ang mga magulang niya noon, nagawa nilang magkaayos. kung sana ganun din sila mama at papa noon, sana 
kumpleto pa kami ngayon.




..

sobrang tahimik na.. 

Japs: Moe..
Moe: bakit?
Japs: Moe, bakit ka nga pala nandito?
Moe: huh?
Japs: ibig kong sabihin, anong ginagawa mo kanina dito sa loob bago ako dumating. bakit ka andito?
Moe: a-ah.., wla naman..napadaan lang ako.. heheh
Japs: maniwala ako..
Moe: tatanong tanong ka tapos hindi ka rin pala maniniwala.. 
Japs: e hindi ka kasi kapani-paniwala e. dumaan ka lang? e bakit parang nagtatago ka ata?
Moe: hehe sige na nga sasabihin ko na sayo. kanina kasi nung nasa canteen kami nila Sef„



**************flashback…********* ***
Sef: oi, may nagpapakita daw sa library a. nabalitaan niyo na ba yun?
Moe: wag mong sabihing pati ikaw naniniwala sa mga kalokohang yun?
Sef: e pano kung totoo? naku pare, hindi na ko pupunta ng library.
Moe: ang duwag mo tol. para kang hindi lalaki. 
Sef: e bakit ikaw? hindi ka ba natatakot?
Moe: gago. bat naman ako matatakot? hindi naman totoo yun
Sef: edi, hindi ka nga natatakot?
Moe: kulit mo a. hindi nga.
Sef: o sige mamaya pumunta ka ng library at dun ka magpalipas ng gabi. tingnan natin kung hindi ka maihi sa takot pag may nakita ka dun.

**************end of flashback****************



Japs: ah.. kaya pala.. 
Moe: ganun na nga. parang tanga lang si Sef. 
Japs: so hindi ka nga natatakot.?
Moe: syempre naman hindi noh. 
Japs: asus… if i know kung wala ako baka natakot ka na nga..ahahaha!!!!
Moe: ah ganun ah?



(Moe’s pov)

aha. ang lakas mang-asar nitong ni Japs a„
mahiritan nga„

Japs: siguro kung hindi mo ko kasama ngayon baka naihi ka na nga sa takot! ahaha 


shoot! akala mo porke bati na tayo hindi na kita papatulan ah.. tingnan natin kung sinong matatakot ngayon.. hehe

Moe: e bakit ikaw? hindi ka ba natatakot?

(Julie’s pov)

parang tanga to.. nakita na nga niya kung pano ko sumigaw kanina nung tinakot niya ko, tapos tatanong-tanong pa..

Japs: takot ako sa multo. nakita mo naman kanina e. at least ako aminado ako. 
Moe: hindi naman yung ang ibig kong sabihin e,. 

shet. kahit medyo madilim alam kong tinititigan niya ko.

Moe: isipin mo ah…, nandito tayo ngayon sa isang kwarto na hindi natin mabuksan. tayong dalawa lang.. ikaw at ako.. 

at unti-unti nararamdaman kong lumalapit na siya sa kinauupuan ko. 

Moe: …tayong dalawa lang
Japs: Moe..
Moe: kahit ano pwede kong gawin sayo. tamang-tama, madilim sa kwartong to..

nararamdaman ko na ang hininga niya sa mga balikat ko,…

Japs: lumayo ka nga saken. Moe, sisigaw ako! 

tumawa lang siya. yung tipong nakakaloko. yung tawang demonyo.

Moe: haha edi sumigaw ka. tingin mo may makakarinig sayo? 
Japs: Moe..
Moe: kanina nga sigaw ka na ng sigaw, pero wala namang nangyari….
Japs: Moe kung anu man yang binabalak mo, wag mo ng ituloy.. hinding-hindi na kita mapapatawad!
Moe: e ano naman kung hindi mo ko patawarin? basta makuha ko lang ang gusto ko…ayos na yun.

oh no. shet! ang lapit na ng mukha niya saken. gusto ko siyang itulak palayo saken pero hindi ko naman magawa dahil nagawa na niyang hawakan ang magkabilang kamay ko.

Japs: Moe, please.. wag.. 

pinikit ko ang mga mata ko. at….


END OF CHAPTER 6

  1. allaboutjulieanne posted this
Short URL for this post: http://tmblr.co/ZiR_XvJUCiGv