Tsapter NAYN

SINO KA LY?

(narrator: monday na naman. ibig sabihin, may pasok na naman!! :P)

(Moe’s pov)


Moe: hoy pare, wala naman dito e.

Sef: andyan lang yan..
Moe: wala nga sabi e. bumangon ka na kaya dyan at tulungan mo na lang akong maghanap dito.
Sef: eto na nga o, nakabangon na. e bakit ba naman kasi ang aga-aga mong gumising? Alas 6 pa lang tsong. mamayang alas8 pa ang klase naten.
Moe: pare, mabuti nang maaga para hindi ma-late.
Sef: tang-ina dude, walking distance lang ang building naten mula dito sa dormitory.
Moe: a basta, this time mauunahan ko na siya.
Sef: ha? mauunahan ang ano? sino?
Moe: ayun! nakita ko na rin!
Sef: teka, pabango ko yan ah!
Moe: pahiram muna. ai mali, penge pala.
Sef: sige na nga..

(narrator: after 1 hour.)

Sef: Moe naman. ang tagal mo naman masyado jan sa loob. akala ko ba nagmamadali ka?
Moe: eto na.. 
Sef: whoa! pare! yung pabango ko ba ang ipinangligo mo?
Moe: salamat dito ah.

at inabot ko na sa kanya yung pabango niya..

Sef: anong ginawa mo sa pabango ko? bakit nangalahati? 
Moe: nagwisik lang naman ako. wag ka na ngang maarte jan. o sige alis na ko.
Sef: ang aga pa a.
Moe: may dadaanan pa ko.

(narrator: sa dorm naman nila Maqui at Japs)

Maqui: Julie!! bumaba ka na! late na ko! antagal mo!
Japs: ito naman, 7:45 pa lang. 8 pa klase mo.
Maqui: hai naku, kahit kailan ka talaga. 

palabas na kami ng dorm ngayon, ng may makita kaming lalaking lumapit samen. medyo hindi ko siya makilala kasi mas kita ko yung sinag ng araw.

Maqui: si Moe ata to e.

bulong ni Maqui saken. 

Japs: hindi si Moe yan. 

kilala ko na siya.,

Japs: ui Sam, anong ginagawa mo dito?
Maqui: ui mauna na ko sa inyo ah. tatakbo na lang ako. may quiz pala kami ngayon. sige Japs, bye!

at talagang kumindat pa ang loka.

Japs: sige bahala ka.
Maqui: bye Sam!
Sam: bye..

kaya eto.. kaming dalawa na lang ni Sam ang naglakad at nagkwentuhan.

Japs: ano nga palang ginagawa mo kanina sa labas ng dorm?
Sam: sinusundo ka.
Japs: ah.. kanina ka pa?
Sam: oo e. 7 pa lang andun na ko.
Japs: naku antagal mo palang naghintay. dapat tinext mo ko para nagmadali akong kumilos.
Sam: ayos lang..

at tumingin siya sa direksyon ko..

Sam: … you’re worth the wait. 

at ngumiti siya. shet. ang gwapo talaga nitong kasama ko.! 

Japs: asus.. syempre naman. ang ganda ko ata ngayon.
Sam: you’re always beautiful to me.

ayiee!! kilig naman ako!

Japs: aba at pa-english english ka na ngayon a.
Sam: hehe ;p 


(Moe’s pov)


nakakainis yung lalaking yun. akalain mong naunahan na naman akong sunduin si Julie. tangina, sayang yung effort ko.

maaga na nga kong gumising pero mas maaga pa rin siya saken.. 

Sef: o pare, kumusta? 

andito na pala si Sef sa kwarto..

Moe: tigilan mo ko ah. kasalanan mo to e.
Sef: o umagang-umaga ang init ng ulo mo ah.
Moe: kung tinulungan mo lang agad akong hanapin yung pabango di sana maaga akong nakaalis.
Sef: ha? 
Moe: bad trip. 
Sef: anong problema pare? kanina ang saya-saya mo at parang excited ka pang pumasok, tapos ngayon daig mo pa ang batang naagawan ng lollipop. haha
Moe: tigilan mo ko ah.
Sef: o ngayon, galit ka naman? haha moody ka?

andito na pala sila Julie. at sympre kasama niya ang bwisit na si Sam. 

taena. parang ang saya saya pa nila. at nagtatawanan pa.
waa!!! ano ba to? naiinis na ko ah. 


(Julie’s pov)


Japs: haha ikaw talaga. kung anung pinagsasasabi mo. haha
Sam: e bakit totoo naman diba? sa gwapo kong to, sigurado akong maraming nagkakagusto saken.
Japs: oo nga. tingin ko rin.
Sam: e kaya lang yung babaeng gusto ko, kaibigan lang ang tingin saken.
Japs: tinanong mo na ba siya?
Sam: nahihiya ako e.
Japs: asus. tyope ka pala. 
Sam: hindi noh. natatakot lang ako.
Japs: asus. pareho lang yun—
Moe: o.  

*blag!*
pabagsak niyang nilapag yung libro sa desk ko.

Sam: ano yan?
Moe: naiwan mo sa library. sayang naman yung pagod mo sa paghahanap niyan. nakulong ka na’t lahat..

sakin niya yan sinabi..

Sam: panu mo nalaman na—
Moe: …tapos naiwan mo lang to..
Sam: —nakulong siya sa library?
Moe: wala kang pakialam! at pwede ba wag kang sumabat dyan, hindi kita kinakausap!

ito na pala yung prof namen..

prof: o guys, nag-aaway na naman kayo. chill lang. mr. magalona, you may take your seat para makasimula na tayo ng lesson. 

nagsisimula na yung klase. pero hindi naman ako makapakinig ng maayos. 
naku. hindi kaya nakahalata si Sam dun?
anu ba naman kasi tong si Moe. nakakainis. siya pa man din ang nagsabi na dapat walang makaalam na kaming dalawa ang naiwan sa library nung gabing yun. hai naku„

as usual, natapos na namn ang class ng wala akong natutunan. 

nagsilabasan na ang mga classmates ko ng maalala ko si Moe. kelangan ko pa palang magpasalamat sa kanya.

ayun. nasa labas na siya,

Japs: Moe!!
Sam: bakit mo siya tinatawag?
Japs: sandali lang a. may sasabihin lang ako sa kanya. hintayin mo ko dito.

at tumakbo na ko palabas ng kwarto namin.

Japs: Moe sandali lang!
Sef: o andito pala si ms. sungit e.
Moe: o bakit?
Japs: salamat nga pala sa pagbalik nung libro.

tumigil siya sa paglalakad.

Moe: yun lang?
Japs: ah… oo. thank you talaga. 
Moe: yun lang.?
Japs: oo. 
Moe: lika na Sef.

anong nangyari dun? 

Japs: teka sandali!
Moe: may sasabihin ka pa?
Japs: may problema ba?
Moe: pakialam mo?
Japs: ano bang nangyayari sayo?!

balik na naman ba kami sa dati? anong nangyari sa kanya? parang hindi siya yung kasama ko sa library a.

Sef: what’s happening here dude?
Moe: lika na Sef. wala lang to.
Japs: akala ko ba okay na tayo? 
Sef: anong okay na kayo?!
Japs: nagsorry ka pa nga diba?!
Sef: pare nagsorry ka sa kanya?!
Japs: bakit ganito ulit ang trato mo saken?
Moe: hoy miss sungit, wag ka nga masyadong assuming dyan. oo nagsorry nga ako sayo, pero ginawa ko lang yun kasi naaawa na ko sayo. 

wee?! 

Moe: isa pa, hindi tayo close. kaya wag mo na—


"MOE!!!"

sabay yakap sa kanya ng isang magandang babae mula sa likuran. 

nilingon ni Moe yung babaeng yumakap sa kanya at..

Moe: LY? anong ginagawa mo dito?

LY?!


END OF CHAPTER 9

  1. allaboutjulieanne posted this
Short URL for this post: http://tmblr.co/ZiR_XvJUJRfS