Tsapter PIPTIN

MY VERY MERRY CHRISTMAS WITH YOU

(Julie’s pov)



Nagising na lang ako na may sama pa rin ng loob kay mama. Alam ko naman na imposible talagang makasama ko siya ngayong pasko pero umasa pa rin ako. Buti na lang at andyan si Moe. Kahit papano ay gumaan ang loob ko.
 



~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~flashback ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Japs: naiinggit ako kina Maqui at Sam. kasi by this time alam kong kasama na nila ang pamilya nila. e ako? mag-isa lang ako.
 
Moe: wag mong isiping nag-iisa ka. andito naman ako e.
 
Japs: kita mo to, nag-eemote na nga yung tao niloloko mo pa. o sige na ayan na yung dorm namin. bye. salamat talaga.
 

papasok na ko nun ng magsalita pa siya.
 

Moe: Japs, wag mo sanang isipin na nag-iisa ka. dahil kahit na lagi kitang inaaway, inaasar, niloloko, pinipikon at pinagtitripan, tandaan mo,..

napalingon ako sa kanya..

Moe: …….nandito lang ako lagi sa tabi mo. hindi kita iiwan.
 

nilapitan ko siya at niyakap ng sobrang higpit.
 

Japs: maraming salamat Moe. gumaan ang loob ko ng dahil sayo. o sige, papasok na ko.
 

kakalas na sana ako sa pagyakap ko sa kanya nang maramdaman kong lalo pa niyang hinigpitan ang pagkayakap saken.
 

Moe: tandaan mo, hindi kita iiwan.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~end of flashback~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~


Japs: OW. EM. JI!!! Nakakainlab talaga si Moe!! Hahaha grabe. Feeling ko tuloy parang kami yung nasa pelikula!! Hahahahaha!!!
 

“anu ba naman yung batang yan? Nagsasalita mag-isa.”

Teka, ako bang pinag-uusapan nitong mga ito?

“oo nga. Patawa-tawa pa kanina. Parang baliw.”

Haha!! Oo nga pala!
Masyado akong nadala sa aking imahinasyon at nakalimutan kong nandito nga pala ako sa foodcourt!

Japs: hehehe :P sori po.. nagpapraktis lang ako para sa play naming. Hehe
 

Hinila ko na ang aking bag kasama ng iba ko pang pinamili kanina sabay sigaw ng..

Japs: MERRY CHRISTMAS PO SA INYONG LAHAT!!

…..at kumaripas na ko ng takbo palayo sa foodcourt! Haha tamang trip lang!


~*~*~*~*~*~*~*~



11:30 na pala. Ilang minuto na lang pasko na. anu na kayang ginagawa nila Maqui? Siguro nagsasaya na sila ng pamilya niya. Naku, maitxt nga..

To: Maqui

Bestfriend, meri xmas! I miss u so much! Njoy d nyt k? ÜÜ jst xtend my griting 2 d hul fmily. Mwah! Ü



Right after ko maisend yung text kay Maqui ay tumunog naman tong celphone ko. May tumatawag pala saken.

“Japs? Hello?”

Japs: yes. Speaking. Who’s this?
Moe: hoy sungit. Hindi mo man lang ba ko nabobosesan?

Ah.. okay.. si Moe pala…

Japs: o bakit?
Moe: merry Christmas..
Japs: merry Christmas din.
Moe: bat antahimik ata dyan?
Japs: andito kaya ako sa dorm.
 
Moe: ah…
Japs: ikaw? Nasan ka?
 
Moe: nagddrive.
Japs: nagddrive?
Moe: oo nga. Ang bingi nito.
 
Japs: sorry a. yabang nito. San ka ba pupunta? Gabi na nasa kalsada ka pa. mamaya niyan kung anong mangyari sayo.
Moe: ayieee… concern yung isa dyan.. haha
Japs: ewan ko sayo.
 
Moe: umamin ka na kasi…
Japs: ewan. Magdrive ka na nga lang jan. baka maaksidente ka pa.
Moe: concern ka talaga saken noh? hehe
Japs: tumawag ka ba para asarin ako? Ewan sayo. Babye na nga.
Moe: oops! Teka lang! ito naman hindi na mabiro. Hehe di mo man lang ba tatanungin kung san ako pupunta?
Japs: o san ka pupunta?
Moe: papunta ako ngayon sa taong espesyal sa puso ko.
 

Ahh.. siguro papunta na siya ngayon sa pamilya niya sa batangas..

Moe: ui Japs, anjan ka pa?
Japs: ah oo.
 
Moe: sige bye na. andito na ko e. happy Christmas!

Japs: happy Christmas din.

Binaba na niya yung phone bago pa ko makapag-babye sa kanya. Hai..

Anong oras na nga ba? 11:55 na pala. Tamang tama. Kakain na rin ako. Syempre naman kahit papano may simpleng noche Buena din ako para sa sarili ko.
 

Nung nasa mall ako kanina bumili ako ng maliit na cake at nagpa-take out ng chicken meal sa KFC. Pwede na to. Tutal ako lang naman mag-isa ang kakain e.

Japs: I wish me a happy Christmas
I wish me a happy Christmas
I wish me a happy Christmas
And a merry new year..

*singhot* *singhot*

Japs: bakit ba nalulungkot na naman ako? Paskong pasko umiiyak ako…

*singhot* *singhot*

Japs: e kasi naman noh! Sino ba naming hindi maaawa sa lagay ko ngayon? Mag-isa ako ditong nagse-celebrate ng pasko habang ang ibang tao nagsasaya kasama ang mga pamilya nila.. kung sana pwedeng magsama ng alagang aso dito, isinama ko na sana si Fluffy para man lang may kasama ako ngayon…

*singhot* *singhot*

Japs: lord, sana po may kasama ako ngayon…

*bog!*

Hala! Anu yun?

*bog!*
 

Japs: hehehe lord, joke lang po. Hehe ayos na po akong mag-isa dito. Binabawi ko na po yung sinabi ko kanina.. hehe

Hala naman, bakit may kumakalabog pa rin sa bintana?
 

Japs: lord naman…. Wag Niyo naman po akong takutin ng ganito..
 

“e kung binubuksan mo na lang kaya tong bintana mo kesa daldal ka ng daldal dyan?!”


Teka, kilala ko yung boses na yun a! parang si..

Japs: Moe?!


(Moe’s pov)

Ang hirap akyatin nitong kwarto nitong si Japs a. sa 2nd floor pa pala siya. Mabuti na lang at dati akong akyat-bahay —- este wall climber pala—- kaya kahit papano ay may skills ako sa ganito.

Moe: tulungan mo kaya ako dito?!
Japs: Moe ikaw ba yan?

Ano ba naman tong babaeng to?! Nagtanong pa! talaga bang hindi niya ko nabobosesan?

Moe: oo ako nga to. Buksan mo na kaya tong bintana. Bilisan mo naman! Nangangawit na ko dito e.
 

lumapit na nga si Japs sa bintana at hinawi ang kurtina.

Japs: Moe!! ikaw nga!
Moe: oo ako nga. tulungan mo ko dali.

binuksan na niya ang bintana at iniabot ko sa kanya ang isang supot at pati na rin ang bag ko.

Japs: ano ba naman kasing ginagawa mo dito?
Moe: sinasamahan ka. diba sabi mo mag-isa ka ngayong pasko?
Japs: o? kelan ko sinabi yun?

hai salamat, nakapasok na rin ako. nagpagpag ako ng damit at saka ko sinagot yung tanong niya.

Moe: matanda ka na talaga. hindi mo na matandaan.
 

napatingin ako dun sa study table niya. aba, at may pagkain rin pala siya dito kahit papano.

Moe: tamang-tama kumain na tayo. nagdala ako ng—
Japs: PIZZA!!!!

ayun, nagdala ako ng pizza. tuwang-tuwa naman siya at at talagang inagaw pa saken yung karton ng pizza. hehe

Moe: hui, dahan dahan sa pagkain. baka mabulunan ka diyan.
Japs: sus, ako pa! paabot naman ng hot sauce.
Moe: o ito.
Japs: anu nga palang ginagawa mo dito?
Moe: sinasamahan ka nga. ang kulit.
Japs: bakit mo ko sinasamahan?
Moe: wala lang. gusto ko lang.
Japs: bakit hindi mo na lang sinabi na pupunta ka pala para inabangan na lang kita sa baba. nagpakahirap ka pa umakyat dyan.
Moe: past 12 midnight na kaya?! diba, hindi na pwedeng tumanggap ng bisita ng ganitong oras? tsaka hindi naman pwedeng magpapasok ng lalake sa mga kwarto niyo diba?
Japs: ahh.. oo nga pala.

tiningnan ko na lang siya hanggang sa maubos niya yung pizza na hawak niya. inabot niya yung maliit na cake sa mesa at sumubo.

ang cute niya talaga.
  hindi nasayang ang hirap ko pagpunta dito. 

Japs: buti hindi ka nahirapan umakyat.
Moe: ahahahahaha ako pa! nakikita mo ba tong mga muscle ko? sa laki nito, panu ba naman ako mahihirapan?! ahahaha

sabay pakita ko ng mga braso ko sa kanya.hehe :P

Japs: yabang… o gusto mo?

0.0
sinusubuan niya ko ng cake. ayie… kinikilig naman ako..

Moe: may laway mo na yan e.
Japs: kapal mo. ayaw mo di wag.

hala. baka magalit na naman saken to..

Moe: penge na nga. mukhang masarap nga yan.
Japs: kumuha ka na lang ng tinidor mo dun.
Moe: ayoko nga. subuan mo ko.. a.

at ngumanga ako sa harapan niya. hehe pacute talaga..

Moe: bilis na subuan mo na ko..
Japs: o ayan.. ang arte mo. aayaw ayaw ka pa dyan gusto mo rin pala.
Moe: ang sarap.. ito na ata ang pinakamasarap na cake na natikman ko!

…syempre galing sayo e.. hahaha

anu ba naman tong mga ping-iiisip ko? grabe.
 

Japs: ui teka, may cake ka sa bibig.
Moe: huh?
Japs: halika nga dito..

at pinunasan niya yung gilid ng bibig ko. ang bango ng kamay ni Japs. at ang lambot pa.



(Julie’s pov)


para talagang bata tong si Moe. ang kalat kumain.
 

grabe, ngayon ko lang napansin an ang pula pala ng lips niya! haha

Moe: baka naman halikan mo na ko niyan..

shit. ganon ba talaga ako ka-obvious?

Japs: yabang mo. bat naman kita hahalikan?
Moe: asus… kung makatitig ka sa mga labi ko parang gusto mo nang kagatin e. hahaha
Japs: natural lang na tingnan ko yan. panu ko pupunasan kung hindi ako nakatngin?

makalayo na nga lang. ang kulit talaga nito.
 

Moe: salamat ah.

nginitian ko na lang siya.
 

maya-maya pa, natapos na rin kaming kumain ni Moe. syempre niligpit na namin.
tapos naupo ako sa kama ko. at siya naman naupo sa kama ni Maqui na katapat naman ng kama ko.

ang tahimik.
 

Moe: gusto mong sumayaw?

howkei.. joke ba to?

Moe: seryoso. gusto mong sumayaw?
Japs: nagpapatawa ka ba?
Moe: seryoso nga ako.
Japs: tumayo ka.

tumayo naman ako. at lumapit siya saken. nilabas niya yung ipod niya at pumindot pindot siya dun. maya-maya pa, inabot na niya saken yung isang earphone..

Moe: o isuot mo.
Japs: seryoso ka talaga?
Moe: hindi ka rin makulit noh?

sinuot ko na sa tenga ko yng earphone.

(AUTHOR’s note: Ito po ung music nila: Buksan niyo ung link. http://www.aimini.net/view/?fid=ohCERwrjYlk3GlJKLUIA Basahin niyo with music. )


shet. ang ganda ng kanta.
 

Moe: may i have this dance?
Japs: syempre naman..

Japs: hindi ko alam may ganito ka palang kanta sa ipod mo. hehehe
Moe: bakit hindi ba pwedeng magpakasenti ang mga lalaki?
Japs: hehehe ang gwapo mo talaga.

uh-ow.. did i just say that?

Moe: sabi ko na nga naggwapuhan ka saken e. haha
Japs: hindi ah..
Moe: kakasabi mo nga lang e. hehe

tiningnan ko siya. shet.
 

panu ba namna ako makakapagsinungaling sa harap ng isang gwapong nilalang na ito?

Japs: o sige na gwapo ka na.

tiningnan niya lang ako.
lord, can i die now? shet. nakakatunaw.

Moe: ang ganda mo Julie.
Japs: tumigil ka nga. niloloko mo na namn ako.
Moe: seryoso.

hinapit pa niya lalo ang katawan ko sa katawan niya.
shit. hindi ko na matagalan ang titigan moments na ito kaya namn sinandal ko na lang ang ulo ko sa balikat niya.


Moe: kumusta ka na Japs? i mean, ayos ka na ba?
Japs: medyo.
Moe: intindihin mo na lang ang mama mo. ginagawa niya yun para sayo.
Japs: naiintindihan ko naman e. kaya lang nakakalungkot lang talaga na sa mga ganitong okasyon na kailngan ko siya ay wala naman siya.

naiiyak na naman ako..

Japs: wag na lang natin yun pag-usapan Moe. nakakalungkot lalo e.
Moe: sorry Julie.. wag ka ng iiyak uli a. nahihirapan ako e.

iniangat ko yung ulo ko mula sa pagkakasandal sa balikat niya.
 

Japs: anong sabi mo?
Moe: wag ka na uling iiyak. kasi nahihirapan rin ako.

nakatitig pa rin ako sa kanya. nagtataka kasi ako sa mga pinagsasasabi niya e.

Moe: ayokong nakikita kang umiyak Japs. kaya lahat ng pwede kong gawin para mapasaya ka gagawin ko.
Japs: Moe..
Moe: pag nalulungkot ka Japs, tawagin mo lang ako. papatawanin kita. kung may problema ka at wala kang masabihan, nandito lang ako lagi. pwde mo kong hingahan ng sama ng loob mo… wag mo nga lang akong sisingahan ng sipon pag sobrang naiiyak ka na.. hehehe
Japs: grabe ka namna. hehe
Moe: pero seryoso Japs, nandito lang ako lagi sa tabi mo. gusto kong kasama mo ko sa bawat pagngiti at pag-iyak mo.

tumigil na kami sa pagsayaw. pero yung posisyon namin, ganun pa rin.

nakayakap yung mga kamay ko sa balikat niya habang ang mga kamay naman niya ay nasa bewang ko.

Moe: kaya wag mong iisipin na nag-iisa ka lagi Japs. kasi kung sa tingin mo iniwan ko na ng buong mundo, lumingon ka lang, makikita mo kong papalapit sayo.

niyakap ko na siya ng tuluyan.

Japs: salamat Moe.
 

matagal kaming magkayakap. ganun lang. walang kumikibo. walang nagsasalita. basta magkayakap lang kami.

Moe: nalulungkot ka pa ba Japs?
Japs: medyo na lang.

naramdaman kong humahaplos ang isang kamay niya sa buhok ko.

Japs: thank you talaga Moe. hindi ko inaasahang ikaw pa talaga ang magsasabi ng mga yan saken.
Moe: sus, wala yun.
 
Japs: salamat talaga. hindi mo lang alam kung panu mo ko napasaya ngayon.
Moe: sabi ko naman sayo kahit ano gagawin ko mapasaya ka lang.

kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya pero nanatili pa ring nakahawak ang kamay ko sa balikat niya.
at nagtitigan lang kami.

papalapit ng papalapit ang aming mga mukha.

Japs: Moe..
Moe: Julie, alam mo bang kanina pa kita gustong halikan?

what?! gusto niya kong—
 

oh no.

hindi ako makapagsalita..

Moe: pwede ba Japs? kahit ngayon lang..

hindi pa rin ako makapagsalita.
 

Moe: i guess your silence means yes..

unti-unti pang lumapit ang mukha niya saken.
 
lord, ito na ba ang first kiss ko?

kinakabahan ako. ipinikit ko na lang ang aking mga mata



at…


































































































naramdaman ko na lang na nagdikit na ang aming mga labi.


END OF CHAPTER 15.

  1. allaboutjulieanne posted this
Short URL for this post: http://tmblr.co/ZiR_XvJUXWvp