Tsapter SEBENTIN

ANG PAGBABALIK

(Moe’s pov)


Ano ba yan? Anong petsa na hindi pa rin lumalabas si Japs ng dorm. Naku naman bagong taon na, dapat magbago na rin siya at pumasok na siya ng maaga. Pati tuloy ako male-late niyan e.

E bakit ba ako nandito?
 

Syempre gusto ko siyang makasabay at dahil namimiss ko na kasi siya.
  

Haha matapos ko kasi siyang ihatid last year galing sa reunion naming ay hindi ko na uli siya nakita. Ngayon na lang. kaya naman excited na kong makita siya!! Ahahaha ai teka, ayan na ata yun.. aba, wala ata si Maqui. Kita mo nga naman, talagang umaayon saken ang tadhana!!
   

Kaya naman dahan-dahan akong naglakad sa harapan niya. Kunwari hindi ko alam na andon siya.
 

Japs: hoy Moe!

wala akong naririnig!
 

Japs: Moe!
 

nilingon ko siya at umarteng kunwari ay non ko lang siya nakita.

Moe: o sungit, bat andito ka pa? naku, late ka na naman.
Japs: nagsalita ang hindi late. ano nga palang ginagawa mo dito?
Moe: a-ano kasi..

naku hindi ko napagandaan to ah.. ano nga bang isasagot ko?

Moe: galing ako dun.. tama. bumili kasi ako ng tinapay. nagugutom kasi ako.
 
Japs: o asan na? penge ako. hindi pa ko kumakain e.
Moe: ubos na! haha sabi sayo gutom ako e. kinain ko na lahat!
Japs: takaw mo.
Moe: sexy naman!
Japs: yabang.

naalala ko tuloy yung gabi ng reunion. pumasok ako sa kwarto nila at pareho lang kaming nakatuwalya! haha

Japs: hoy bat tumatawa ka dyan?
Moe: wala. may naalala lang. suot mo pala yang regalo ko sayo.
Japs: a oo. bagay kasi sa outfit ko ngayon.
Moe: e kung hindi pala bagay sa suot mo, hindi mo rin susuotin yan?
Japs: siguro.

hai naku. binabagay lang pala niya sa damit. tsk. tsk.
e silver naman yun e. kahit saan bagay ang silver diba? hai naku..

Moe: sige na nga. basta ingatan mo yan a.
Japs: oo naman. may ibig sabihin ba tong susi na to?

sasabihin ko ba?

Moe: wala. ano namang meaning niyan? pendant lang yan.
 
Japs: naalala ko lang kasi na sabi mo na susi to ng isang bagay na importante sayo.
Moe: a wala yun. wag mo na lang pansinin yun. puyat lang siguro ako non.
Japs: oohh.. i see.
 

nakarating na rin kami ng room namin. buti na lang at wala pa yung prof namin.
 

Sam: o Japs, antagal mo ah. buti wala pa si prof.

kumag na to. andito na pala.

Moe: dun ka na maupo sa likod Japs.
Sam: sorry dito siya laging umuupo sa harapan e.
 
Japs: oo nga Moe. sige punta ka na don. tsaka lagi kaming magkatabi nito ni Sam.
 
Moe: ah ganun ba. o sige dito na lang rin ako mauupo sa harapan.
 

hinila ko yung bakanteng desk na katabi ni Japs. kaya lang..

classmate: uhm, Moe jan ako nakaupo.

tiningnan ko yung upuan. oo nga. nandun yung bag niya. sabi ko nga may nakaupo don.

Moe: sige dun na lang ako sa likod. ayoko din naman umupo sa harapan. makakatulog lang ako jan.

narinig kong may sinabi pa sila kaya lang hindi ko na yun pinansin. at umupo na lang ako dun sa dati kong desk katabi ni Sef.

Sef: o pare, late ka ata ngayon. buti wala pa si prof.
Moe: buti na lang talaga.
 

nakatingin naman ako dun sa harapan sa gawi nila Sam at Julie.
at dahil hindi naman kalakihan ang room namin, naririnig ko yung pinag-uusapan nila.

Sam: pasalubong? nagbilin ka ba?
Japs: oo kaya. sus kinalimutan mo kong bilhan noh? kahit chocolate na lang.
Sam: sorry Japs. nawala sa utak ko kasi e.
Japs: ayos lang.

bwahahaha minus pogi points kay Japs yun! bwahahahaha

Sam: ito naman,di na mabiro.
 

tapos may nilapag siyang garapon sa ibabaw ng desk ni Japs.

Sam: o para sayo.
Japs: ano yan?

ano kaya yun? hindi naman kasi transparent yung garapon kaya hindi malaman kung ano yung nasa loob nito.

Sam: snow yan.
 
Japs: seryoso?
Sam: ahaha joke lang. andali mo namang maniwala. buksan mo na.

e di binuksan na nga ni Japs.

Japs: wow!! andaming chocolates! at iba’t ibang klase pa!
Sam: okay ba? haha hinay hinay lang ah. baka tumaba ka.
Japs: salamat Sam! hindi ka lang gwapo, napakabait mo pa! haha

sabay hampas niya sa balikat ng ungas na yun.
kelangan talaga may ganun?

Moe: mas gwapo naman ako dyan noh..
Sef: may sinasabi ka Moe?
Moe: a wala. sabi ko nagugutom ako.

tiningnan ko uli sina Sam sa harapan.

Sam: may gagawin ka ba sa saturday Japs?
Japs: saturday? uhm.. wala naman.bakit?

shit. dont tell me..

Sam: labas tayo.

sabi ko na nga ba e. wag kang pumayag Julie!

Japs: o sige ba. antagal ko na ring hindi nakakalabas e.
 
Sam: ai anjan na si prof. mamaya na lang natin pag-usapan.

asar!!!


*~*~*~*~*~*~*~*




(Julie’s pov)

andito ako sa cafeteria. iniisip ko yung sinabi ni Sam kanina.
niyaya niya kong lumabas. hindi naman siguro date yun.
 
wala rin naman kasi siyang sinabing date yun e.

o sige na nga. date na kung date. pero friendly date lang siguro.
wala namang gusto saken yun e. tska mahirap nang mag-assume.

Sam: mag-isa ka ata.

lumingon ako. andito pala sa Sam.

Japs: hindi naman. hinihintay ko lang si Maqui.
Sam: ah.. paupo ako a.
Japs: bakit ngayon ka pa lang kumakain? diba ilang minutes na lang klase mo na?
Sam: oo nga. 10 minutes na lang.
Japs: sige kain ka na. baka ma-late ka pa.
Sam: ayos lang. ikaw naman ang dahiLan e.
 
Japs: kasalanan ko pa ganun?
Sam: hehehe hindi yun ang ibig kong sabihin. nakasama naman kita ngayon e. kaya ayos lang na ma-late ako.
Japs: gutom lang yan. kung anu ano nang pinagsasasabi mo e.
 
Sam: sa totoo lang hindi naman ako gutom e. gusto lang kitang makasama.
 

tapos tinitigan niya ko. naku naman..
 
mata pa lang ulam na. haha ako din busog na! haha

Sam: si Moe pala, nanliligaw ba sayo yun?

nagulat pa ko sa tinanong niya.

Japs: hindi ah. bat naman ako liligawan non?
Sam: e bakit kasabay mo siya kaninang dumating?
Japs: a yun ba? nagkataon lang yun, nagkasabay lang kami.
Sam: ah.. akala ko kasi nililigawan ka na niya at sinundo ka niya kanina sa dorm.
 

tapos ngumiti lang siya..

Sam: tuloy tayo sa sabado a.
Japs: a-ano yun?
Sam: sabi ko sa sabado. wala nang bawian a!
Japs: a oo naman. san ba tayo pupunta?
Sam: secret. haha bsta. tsaka may sasabihin rin pala ako.
 
Japs: ano yun?
Sam: sa sabado na lang.
  

nginitian niya uli ako.
hindi ba to nangangalay kakangiti? naman!

Sam: a sige, una na ko. tatakbuhin ko pa yung math building e. sige bye!
Japs: bye.

nung nakaalis na siya, napatingin ako dun sa pagkaing binili niya.
walang bawas. ni hindi nga nya ginalaw e.

ibig sabihin gusto lang niya talaga kong makasama kanina…



*~*~*~*~*~*~*~*




natapos na rin ang buong araw. grabe naman. kahit first day pa lang andami na agad pinagawa.

Maqui: ui kumusta pasko? hindi ka naman ba natakot mag-isa dito?
Japs: may ksama ako.
Maqui: weh? sino?
Japs: si Moe.
Maqui: si Moe?! oh my god Japs!!!

naku naman. itong si bestfriend, kung makatili daig pa ang sirena ng ambulansya!

Japs: oo nga sabi. ksama ko siya.
 
Maqui: anong ginawa niyo? kayo ah.. ambabata niyo pa..
Japs: itigil mo yang iniisip mo Maqui. kumain lang kami dito. tapos nagkwentuhan. tapos..
Maqui: tapos ano?
Japs: nagsayaw kami.
 
Maqui: nagparty kayo dito?! wow buti hindi kayo narinig sa baba.
Japs: hindi ganung sayaw. yung.. slow dance ang ibig kong sabihin.
Maqui: waa!!! ikaw Julie ah! grabe! ang swerte mo naman kay Moe!

swerte? hindi rin!

Maqui: nanliligaw ba yun sayo?
Japs: hindi noh!

bat parang lahat tinatanong ako niyan?

Maqui: hindi? tingin ko kasi may gusto siya sayo e.
Japs: ganun? imposible yun. lagi nga kong inaasar nun e.
Maqui: dun nagsisimula yun. e si Sam pala kumusta?
Japs: ayos naman. a oo nga pala Maqui, aalis ako sa sabado a.
 
Maqui: san ka pupunta?
Japs: hindi ko alam kay Sam. wala naman kasi siyang sinabi e.
Maqui: kasama mo si Sam? magde-date kayo? waaaa!!!
Japs: oo kasama ko si Sam. pero hindi date yun noh!
Maqui: ganun na rin yun. sus! uy.. si Julie, dalaga na!!
Japs: Maqui wag mo nga kong tingnan ng ganyan! nakakainis ka naman e!
Maqui: ahaha sige sabi mo eh!
 

ambilis lumipas ng mga araw.
 

namalayan ko na lang….













sabado na pala


END OF CHAPTER 17

  1. allaboutjulieanne posted this
Short URL for this post: http://tmblr.co/ZiR_XvJUbHm0