Tsapter EYTIN

ANG ENGKWENTRO

(Julie’spov)


Maqui: anu ka ba naman bestfriend? antagal mo naman dyan! kanina ka pa hinihintay ni Sam sa lobby.
Japs: eto na po lalabas na ko.
 
Maqui: antagal a. ilang oras mo ba siya balak paghintayin? naku! friend! ang gwapo gwapo niya sa suot niya!! waa!!

asus. at mas kinilig pa daw talaga si Maqui kesa saken. kanina pa kasi ako dito sa loob ng kwarto. hindi ko kasi alam kung tama tong sinuot ko. hindi ko naman kasi alam kung saan kami pupunta e. anyway, nagsuot na lang ako ng blouse na pink at jeans na Blue, tsaka sneakers. tapos nagdala ako ng jacket kasi medyo malamig ang panahon ngayon.
 

Maqui: hay salamat at lumabas ka na rin.
Japs: ayos lang ba tong suot ko?
Maqui: oo naman sis! you’re very beautifuL! ayiee!! terno pa tlaga kayo ni Sam a.

teka may nakalimutan ako.

Japs: wait lang may naiwan ako sa loob.
Maqui: ano na naman ba yun?

tapos sinuot ko na yung kwintas na bigay ni Moe.

Japs: nakalimutan ko tong kwintas ko.
Maqui: ikaw talaga.. si Sam ang makakasama mo pero hindi mo pa rin nakakalimutan si Moe.
Japs: ano ka ba, sinuot ko lang naman to kasi bagay sa damit ko.
Maqui: infairness.. pwede na rin.

pagkababa namin ng lobby andun at naghihintay na nga si Sam. at naka-pink na poloshirt pala siya. now i know kung bakit sinabi ni Maqui na terno kami.
 

Maqui: gwapo noh?

bulong pa ni Maqui.
gwapo nga. pero mas gwapo pa rin si Moe..

shet! ano ba naman tong pinagsasasabi ko?!

ERASE!! ERASE!! ERASE!!

Sam: akala ko hindi ka na bababa.
 
Maqui: naku alam mo naman tong si Japs, always late.
Japs: Maqui!
Maqui: sory naman! e, san niyo nga pala balak pumunta?
Sam: sa mall lang.
Maqui: o siya sige, ikaw na ang bahala dito sa friend ko a.ingat kayo
 
Sam: o sige.

at lumabas na rin kami ni Sam ng dorm.
 
sumakay kami ni Sam sa kotse niya.
oo. may kotse din siya. haha yaman talaga.
 
 
Sam: ang ganda mo pala sa suot mo Japs.
Japs: salamat. ikaw din.
Sam: ano? ang ganda ko din? haha
Japs: sira ka talaga. ang ibig kong sabihin bagay sayo yang suot mo.
 
Sam: akala ko pa naman sasabihin mo ang gwapo ko. haha
Japs: sige na nga ang gwapo mo.

ang awkward naman ng feeling. hehe

Japs: san nga pala uli tayo pupunta?
Sam: sa mall na lang siguro. nood tayong sine.
Japs: ano bang magandang palabas ngayon?
Sam: uhm.. hindi ko alam e. bahala na.

pagkarating naman namin sa mall, tumingin agad kami ng mapapanood na pelikula. in the end, napili naming manood ng isang chick fLick. hehe actually ako lang ang pumili. buti pumayag siya. yung ibang guys kasi nako-cornyhan sa mga ganun e.

pumasok na rin kami sa loob ng sine pagkatapos bumili ng tickets, popcorn at drinks.
anlamig talaga dito sa sinehan. buti na lang at may dala kong jacket.
 

pero putek. wa epek.
 
nilalamig pa rin ako kahit na nakasuot na ko ng jacket.

Sam: ayos ka lang?
Japs: a, oo naman. bakit?
Sam: mukhang nilalamig ka e.
 
Japs: ayos lang. nakajacket naman ako e.
Sam: pahawak nga ng kamay mo.

bago pa ko nakapagtanong sa kanya, naramdaman kong hawak na niya yung isang kamay ko.

Sam: nilalamig ka nga. nanginginig ka o.
Japs: ayos lang naman talaga.

kahit na madilim dito sa loob, nakita kong ngumiti siya saken.

Japs: anong ginagawa mo?

hinawakan niya kasi yung isa ko pang kamay at pinagdikit niya dun sa isa pa, saka niya parang binalot ng mga kamay niya yung mga kamay ko.


(author’s note: sorry sa medyo magulong description. hirap idescribe e.
  basta parang na-sandwich ng kamay ni Sam yung mga kamay ni Japs.)


Sam: sana makatulong to.
 
Japs: salamat. hehe

hindi ako mapakali. ang init ng palad ni Sam.
sa totoo lang nakatulong talaga yun kahit papano para hindi ako masyadong ginawin.

so ayun na nga, lumabas na rin kami after nung movie.

Sam: umiiyak ka ba?
Japs: hindi a.

ano ba yan? sana hindi niya makita. nakakahiya naman kasing malaman niya na naiiyak ako dahil sa pinanood namin.
 

Sam: sus. okay lang saken. di kita tatawanan.
Japs: talaga?

tumango na lang siya.
hindi ko na napigilan. at naiyak na talaga ako.

Japs: e kasi naman e, bakit kailngang mamatay pa nung lalaking bida kung kelan okay na sila nung girl? nakakainis talaga yung writer niyang movie na yun., nakakalungkot. huhu
Sam: wag mo masyadong isipin yun. movie lang naman yan e.
Japs: pasensya na Sam, nakakahiya nman sayo, nakita mo pa kong umiiyak. ang babaw ko tlaga.
Sam: no problem. pero tahan ka na. baka isipin ng mga tao pinapaiyak kita e. hehe

oo nga. mas nakakahiya yun.

Japs: hehe sorry a. pwede bang kain muna tayo?haha
Sam: nagugutom ka na ba?
Japs: oo e. hindi naman kasi nakakabusog yung popcorn. haha
Sam: okay. pero may pupuntahan muna tayo. saglit lang.
 
Japs: saan?
Sam: basta.

kaya ayun, hinatak na lang niya ko papunta sa kung saan.

Japs: anong ginagawa natin dito?

tama bang daLhin ako sa isang jewelry shop?

Sam: may bibilhin kasi ako e.
 
Japs: kailangan kasama ako?

mukhang hindi naman niya ko narinig non kasi busy siya sa pagtingin sa mga naka-display na silver bracelets.

Sam: tingnan mo nga to.. anong mas maganda, yung may mga hearts? o itong isa na may mga stars?

ano nga ba? uhm…

Japs: okay itong may mga hearts, kaso mas maganda tong isa na may stars.. haha gusto ko kasi ng stars e.
Sam: i knew you’d pick that one.

ano daw?

Sam: miss kukunin ko na tong isang to. wag mo ng ibalot, pakibigay na lang saken yung box na lalagyan niyan.,
 

tapos naglabas siya ng pera at iniabot naman sa kanya yung bracelet at yung kahon.

Japs: para kanino ba yan?
Sam: labas na tayo.

niyaya na niya ko palabas. hawak hawak pa rin niya yung bracelet na yun habang naglalakad kami.

Sam: alam mo Julie, unang kita ko palang sayo, i knew you are different, pinahanga mo agad ako dun sa ginawa mo kay Moe nung first day pa lang.
 
Japs: ah, yun ba, nakakahiya nga e.
Sam: pero not all girls can do that. you really are something.

bakit niya sinasabi tong mga to saken?

Sam: and as time passes by, lalo ko lang nakikita kung gano ka ka-special.
 
Japs: ahaha special child kasi ako e! ahahahaha

at tumawa ako ng malakas. tumigil lang ako ng makita kong seryoso yung itsura niya.
oops. wrong timing ata yung joke ko.

Sam: you are special to me Japs.
 

okay.. naguguluhan na tlaga ko.

Sam: alam kong nagtataka ka na ngayon sa mga sinasabi ko. kaya didiretsuhin ko na..

tumigil kami sa paglalakad at tinitigan niya ko.
 
naku naman Sam, ano ba to?.

Sam: i like you Julie. i like you a lot. and if you’ll just give me a chance, gusto kong i-prove sayo na totoo ang mga sinasabi ko ngayon…

kinuha niya yung kamay ko at nagulat pa ko na isinuot niya dun yung bracelet na binili niya kanina.
 

pero ang mas ikinagulat ko ay ang sumunod niyang sinabi..
























Sam:
 Julie, pwede ba kitang ligawan?



*~*~*~*~*~*~*~*~*





(Moe’s pov)


asan na ba sila?
 

LY: Moe, anu ba talagang ginagawa natin dito?

tama naman yung mall na pinuntahan namin.ito yung mall na sinabi ni Maqui na pinagdalhan ni Sam kay Japs.

LY: hello?! may kausap ba ko?!

naku talaga! pag may nangyaring masama kay Julie, hindi lang suntok ang aabutin saken ng kumag na Sam na yun,.
 

LY: SANDALI NGA!!
Moe: o anong problema mo?
LY: kanina pa kaya kita tinatanong hindi mo naman ako sinasagot.
Moe: halika na bilis. baka hindi natin sila makita.

at hinila ko na naman siya uli.
 

LY: sino ba kasing hinahanap mo?
Moe: basta.
 
LY: e panu kita matutulungan niyan kung hindi mo naman sinasabi saken kung anu o sino yung hinahanap mo?
Moe: a basta. ang mabuti pa LY e tumahimik ka na lang at suportahan mo na lang ang kuya mo okay.
LY: ate!

napalingon ako kay LY.

Moe: at kelan mo pa ko naging ate?
LY: hindi ikaw, ayun o! si ate. may kasamang lalaki.

napatingin naman ako dun sa tinuro niya,
sa wakas! nakita rin namin sila.

patakbo pang lumapit si LY kina Sam at Japs.

LY: ate! andito rin pala kayo!
Japs: ui LY. sinong kasama mo.
LY: si Moe. ayun o.
Moe: ui, hello.
LY: san kayo pupunta?
Japs: kakain na kami ni Sam. ai oo nga pala, LY si Sam. Sam, si LY.

nagshake hands pa silang dalawa,.

Japs: sama na kayo samin. okay lang naman diba Sam?
Sam: oo naman. sige sama na kayo ni Moe samen ni Japs.
LY: yehey! the more the merrier! tamang-tama kanina pa ko nagugutom.

at nauna nang naglakad samin sina Sam at Japs.

LY: nakita na natin yung hinahanap mo kanina noh?
Moe: bakit sila ba yung hinahanap ko?
LY: kunwari pa to.. haha wag mo sila masyadong tingnan. matunaw yan.
Moe: halata ba ko?
LY: super obvious.
Moe: wag kang maingay kay Japs a.
LY: bakit kasi hindi mo pa sabihin sa kanya?
Moe: hindi pa ngayon.
LY: sige ka, maunahan ka niyan. gwapo pa man din si Sam.
Moe: ganun? sino mas gwapo samen?
LY: siyempre ikaw! mana ka saken e!

at nagtawanan na lang kami ni LY.
 
ito tlagang kapatid ko, hindi marunong magsinungaling! haha

sa isang fastfood namin napagpasyahan kumain.

Moe: anong gusto mo Japs?
Sam: ill pay for her food. yung date mo na lang ang asikasuhin mo.

date?
 

ah.. si LY.

Moe: o date., anong gusto mo?
LY: ahahaha talaga naman Moe… o sige, gusto ko ng 2-piece chicken, cheeseburger, fries, make it large okay? tapos sundae, burger steak, tsaka coke. yung diet a. ayoko kasing tumaba e.
    

seryoso ba to? mukhang balak niyang ubusin yung laman ng wallet ko a.

LY: kidding! large fries, burger at lemonade lang saken. haha sige una na ko dun para may maupuan na tAyo.
Japs: kayo talagang dalawa, ang sweet niyo. haha Sam, una na rin ako dun a.
Sam: sige lang.

habang nasa pila, hindi kami nagpapansinan ni Sam.
at bakit ko naman siya papansinin? close ba kami?

buti na lang mabilis na naibigay samen yung mga order namin.

LY: antagal niyo ah.
Moe: hindi naman.

at inilapag na rin ni Sam yung dala niya sa mesa.
magkatabi kami ni LY at katapat namin sina Sam at Japs, na magkatabi din.

enjoy na enjoy sina Sam at Japs sa pagkukwentuhan habang ang kapatid ko naman ay enjoy na enjoydin sa pagkain ng fries.

ako? enjoy? not at all.

Moe: ano ba naman yan LY, ang tanda-tanda mo na pero para ka pa ring bata kung kumain.

sabay punas ko sa bibig niya. may catsup kasi yung gilid.

LY: salamat Moe!
Sam: alam niyo, bagay talaga kayong dalawa.
 

nagkatinginan naman kami ni LY. si Japs naman biglang tumawa.

Japs: hindi ko nga pala nasabi sayo kanina noh? magkapatid silang dalawa.
Sam: ah ganun ba? hehe sorry. na-misinterpret ko.
 
LY: ayos lang. hindi lang naman ikaw ang nagkamali e. pati si ate yun din ang akala samen ni Moe nung una.
Sam: bakit nga pala hindi mo siya tinatawag na kuya?
LY: sanay na kasi akong Moe lang e.
 
Japs: ano nga palang ginagawa niyo dito ni Moe?

tumingin naman si LY saken at ngumiti ng nakakaloko.

LY: wala naman.. hinahanap lang ni Moe..

tiningnan ko naman si LY. putcha LY, wag kang magkakamaling—

LY: yung materials para sa project nung isa pa naming kapatid.

—hai salamat..

Moe: ah oo tama.
Sam: may nabili kayo? nasan na?
Moe: a, wala. out of stock na raw.
Japs: ah.. sayang naman yung pinunta niyo dito.
LY: e kayo pala, anong ginagawa niyo dito? nagde-date kayo noh?
 
Japs: hindi naman date yun. nanood lang kami ni Sam ng sine.
LY: sus! date na rin yun. ikaw ate a..hindi mo nabanggit saken na may boyfriend ka na pala.

hindi naman boyfriend ni Japs si Sam e.

Japs: hindi ko naman siya boyfriend e.

haha ang galing ko talaga.

Sam: manliligaw pa lang..

manli- WHAT?!?

LY: o ayos ka lang? nasamid ka ata.
Moe: ayos lang ako.
Japs: ikaw kasi ang takaw mo masyado e.
 

uminom na lang ako ng coke,.
 

LY: ang ganda naman ng bracelet mo ate. san mo nabili?

napansin kong ngumiti naman si Sam. bakit kaya?

Japs: hindi ko to binili. bigay to saken ni Sam.
LY: o talaga? ang ganda a. magaling pumili tong manliligaw mo ate.
Sam: siya ang pumili niyan kanina bago namin bilhin. hindi rin naman kasi niya alam na sa kanya ko yan ibibigay e,
Japs: oo nga. nakakainis ka talaga. hindi mo man lang sinabi saken na ibibigay mo pala saken tong bracelet.
 
Sam: ganun talaga. hehe
LY: ang swerte mo naman ate. nung pasko binigyan ka ni Moe ng kwintas. ngayon naman si Sam, binigyan ka ng bracelet. grabe! yayaman ka na niyan!
 
Sam: kay Moe galing yang kwintas na lagi mong suot?
Japs: a oo. sa kanya nga galing to.

ngumiti naman ako. haha akala mo ikaw lang ah. mas nauna ata akong may naibigay kay Julie!

LY: teka punta lang akong cr a.
 
Japs: samahan na kita.
 

tama bang iwan kaming dalawa ni Sam dito?

Sam: magkasama pala kayo nung pasko..
Moe: dinala ko siya samen sa batangas., reunion kasi namin.
Sam: ah, okay..
 
Moe: so nililigawan mo pala siya.
Sam: oo.
Moe: kelan pa?
Sam: kanina lang.
Moe: bakit?
Sam: anong bakit?
Moe: bakit mo siya nililigawan?
Sam: bakit ba nanliligaw ang lalaki sa babae?
Moe: seryoso ka ba sa kanya?
Sam: oo naman. teka, bakit ba tanong ka ng tanong? daig ko pa ang kriminal na ini-interogate ng pulis a.
Moe: wala lang. masama?
Sam: haha sabihin mo nga saken Moe, may gusto ka ba kay Julie?

nakita kong papalapit na samen sina LY at Japs.
 

Japs: oi ayos lang ba kayong dalawa?
Sam: oo naman.
LY: uwi na tayo Moe.
Moe: o sige una na kami. Japs, ingat kayo.
 
Japs: kayo din. ingat kayo ni LY pag-uwi.
LY: bye ate! bye Sam, nice to meet you nga pala.
Sam: same here.
 
Moe: Sam, hindi ko pa nasasagot yung tanong mo diba? pwes, ang sagot ko….
 


























…oo. kaya goodluck na lang sayo.


END OF CHAPTER 18

  1. allaboutjulieanne posted this
Short URL for this post: http://tmblr.co/ZiR_XvJUdFV2