Tsapter TWUWENTI

MALING AKALA

(Julie’s pov)

Sarah: hindi mo man lang ba ko na-miss Moses?


MOSES?!?!?!
tama ba yung narinig ko?
kelan pa siya naging Moses?

Sarah: hey, Elmo Moses Magalona. hindi mo ba ko namiss?

oh shit! bakit nga ba hindi ko naisip na yun pala ang totoo niyang pangalan? May second name nga pala siya. ah.. kaya pala. so si Moses at Moe pala ay iisa.

WAIT!!!

SI MOSES AT MOE AY IISA?

Moe: kelan ka pa dito? bakit hindi ka naman nagpasabi? sana nagtxt ka man lang, tumawag, or nage-mail.
Sarah: easy lang Moses. surprise kasi dapat ang pagbalik ko. o ano? are you surprised?
 

hindi sumagot si Moe. sa halip ay napatingin siya sa direksyon ko.

Sef: ai naku Sarah, surprised na surprised yan. ni hindi na nga makapagsalita o! haha
Sarah: mukhang ganun na nga. haha nga pala, im inviting you guys sa apartment. dun na kayo magdinner. nagpaluto ako kay manang tere ng food.

owkei.. mukhang kailangan ko na atang umalis sa eksena… kya naman..

Japs: amm„ una na ko a. medyo marami pa kasi akong tatapusin na project e.
Sef: anong project? kakapasa lang natin ng project kanina. tapos ung isa naman nung last week pa natin ipinasa.
Sarah: if that’s the case, then why dont you join us? please Japs..
Japs: ano kasi e.. nakakahiya naman. syempre medyo reunion niyo to nina Sef at Moe.. baka makaistorbo lang ako sa inyo.
Sarah: of course not. and i dont think they’ll mind. right guys?
Sef: saken ayos lang.
Sarah: Moses?
Moe: ok lang saken.
 
Japs: pero kasi..
Sarah: okay! lika na!

ano pa nga bang magagawa ko? hai..



*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*





Sarah: you know what guys, i really missed the philippines. grabe. lalo na yung food. e kasi naman yung cook namin hindi marunong maghanda ng Filipino cuisine. kaya naman mostly italian or french
 

or american food ang meals namin.
Sef: e diba si tita ang laging nagluluto sa inyo noon?
Sarah: yap. kaya lang syempre, she got busy na with her work. kaya ayun, we had to get a cook.

hai naku.. sige.. kayo na ang mag-usap. hindi naman ako makasabat. sabi ko na nga ba;t dapat hindi na lang ako sumama. super naa-out of place tuloy ako. as in SUPER OP!!!

eto naman si Moe hindi ko malaman kung anong ginagawa. katapat ko siya sa mesa habang katabi naman niya si Sef na katapat ni Sarah na katabi ko. gulo ba? hehe

anyway, kanina pa nakayuko itong si Moe. hindi ko alam kung siya ba ay
 
a. nagdadasal pa rin dahil sa pagkaing nakahain sa kanyang harapan? o
 
b. inaantok na kaya nakayuko na lang? o

Sef: oi pare, sino yang katxt mo a? kanina pa vibrate ng vibrate ung celphone mo.

c. may katxt siya.
 

haha ayun naman pala at may katxt ang mokong.
 

Sarah: oo nga naman Moses. sino ba yang katxt mo?
Moe: a wala. may pinagawa lang ako sa friend ko.
Sarah: haha hanggang ngayon ba may mga alagad ka pa rin? hai naku.. hindi ka pa rin nagbabago. anyway, so kumusta ka naman habang wala ako?

nakatingin kaming lahat kay Moe-slash-Moses.

………..
…….

owkei.. ano na naman kayang meron dito sa taong to at hindi siya kumikibo?

maya-maya pa, biglang ngumiti si Moe…



(Moe’s pov)

from: Maqui

mission accomplished boss! okay na!

to: Maqui

thanks Maqui! maaasahan ka tlaga!


Moe: ayos!
Sef: ayos? ang ano? pare nababaliw ka na naman diyan. haha
Moe: hah? bakit?
Sarah: hai naku, hindi ka naman pala nakikinig.
Moe: may sinabi ka ba kanina? sorry a.
 

naku.. kinakausap ba ko ni Sarah kanina? hindi ko masyadong naintindihan yung sinabi niya. busy kasi ako sa pakikipagtxt ko kay Maqui.

Sarah: no it’s okay. hehe mukhang importante yang inaasikaso mo dyan. haha
 
Moe: importante talaga.

"you’ll always be a part of me..
i’m part of you indefinetely..”


Moe: Japs phone mo yun dba? may tumatawag ata sayo..

nakita kong hinila niya ung bag niya sabay labas ng celphone niya,

Japs: oo nga.. sorry a. sagutin ko lang to.
Sarah: sure it’s okay. dun ka na lang sa may terrace para hindi ka maistorbo..
Japs: thanks..
 

at tumayo na nga si Japs.
 

Japs: hello?

sino kaya ung tumawag sa kanya?

Japs: Sam? andito ako sa bahay ng friend nila Moe..

hindi ko na narinig ung iba pang sinabi ni Japs. hai naku. bakit naman kaya tatawag-tawag pa ung Sam na yun kay Japs? nakakainis a.

Sarah: Moses? are you okay?
 
Moe: ah?! ako? oo naman. haha
Sarah: Sef, okay lang ba kung mag-usap muna kami ni Moses? it won’t take long, don’t worry.
 
Sef: sige lang. take your time guys. tingin ko marami kayong dapat pag-usapan.
Sarah: thanks Sef. tara sa kwarto Moses.

sumunod naman ako kay Sarah. ano kaya ang pag-uusapan namin?

Sarah: Moses for you..

sabay abot ni Sarah ng paper bag saken. kinuha ko yung laman nito. isang shirt. na kulay purple.

Sarah: si Japs ang pumili niyan.
Moe: si Japs?
Sarah: yap. pero hindi niya alam na that’s for you. nagulat nga ako na purple ang pinili niya e. pareho pala kami ng favorite color.
 

tinitigan ko yung purple na tshirt.
 

Sarah: ayaw mo ba? hindi mo ba nagustuhan?
 
Moe: okay naman e. salamat a.

matagal na walang kumikibo samin ni Sarah. ang awkward ng sitwasyon. ano kayang magandang sabihin?…

Moe: pwede ba kong magtanong Sarah?
Sarah: oo naman. haha
Moe: akala ko ba sa states ka na titira?
 
Sarah: oo nga. i just..
Moe: anong ginagwa mo rito?
Sarah: bakit ganyan ka magtanong Moses? dont you want me here?
 
Moe: hindi naman sa ganun Sarah, pero bakit ka nandito? ano ba talagang sadya mo dito at bumalik ka pa ng pilipinas?
Sarah: gusto mo malaman ang totoo? i went here for you Moses. i went here for you. i love you Moses. Ever since i met you, i knew there was something special about you.
 
Moe: pero Sarah hindi ganun ang nararamdaman ko para sayo. alam mo yan.

tinitigan ko siya. nakita ko sa mga mata niya ang mga luhang naghihintay na lang bumagsak.

Sarah: hindi ako naniniwala. kung wala kang nararamdaman para saken then why were you protecting me? you even said that i was special for you.
Moe: gusto ko lang ipaalala ang sinabi ko sayo noon, special ang pagtingin ko sayo dahil para na kitang kapatid. Sarah, we literally grew up with each other. you were my friend for as long as i can remember kaya naman para ng kapatid ang turing ko sayo. at bilang kapatid, ayokong nakikitang may umaaway at nananakit sayo. ayokong nasasaktan ka kaya ginagawa ko ang lahat para maprotektahan ka.
 
Sarah: hindi pa rin ako naniniwala! kung totoo yan, bakit mo ko niligawan noon? bakit naging tayo?
Moe: Sarah alam mo kung ano ang sagot diyan. niligawan kita dahil gusto kong subukang mahalin ka. maniwala ka saken Sarah. i have tried. pero talagang wala.
 

tuluyan nang pumatak ang mga luha niya..

Sarah: hindi mo man lang ba ko minahal Moses?
Moe: mahal kita. pero hanggang kaibigan lang.
Sarah: kaibigan lang ba tlaga ako para sayo? yun lang ba talaga?

tumango ako.
tiningnan ko siya. hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. hindi ko kayang makitang umiiyak siya pero kailangan ko tong gawin. ayokong paasahin siya.
 
niyakap ko si Sarah.

Moe: im sorry Sarah. im so sorry.


(Julie’s pov)

(author’s note: ang pag-uusap na ito nina Sef at Japs ay naganap kasabay ng pag-uusap nina Moe at Sarah sa kwarto.)

Sef: si Sam?

sabay turo ni Sef sa celphone ko.

Japs: ah oo. tinanong lang kung asan ako. susunduin daw niya ko.
Sef: ah.. yung dalawa pala nasa kwarto ni Sarah.

sa kwarto? ano naman kayang ginagawa nila dun?

Sef: may importante atang pag-uusapan yung dalawa.
Japs: ah okay..
Sef: alam mo siguro miss na miss na rin nila ang isa’t isa.
 
Japs: ha?
Sef: matagal silang hindi nagkita. 4 o 5 taon na rin ata simula ng umalis noon si Sarah.
Japs: uhm… Sef, makiki-usyoso lang ako ng konti ha. ano bang meron kina Sarah at Moe? sila ba?
Sef: first love ni Sarah si Moe. bata pa lang magkakilala na sila,.ang kwento ni Moe, sa playground niya unang nakita si Sarah. umiiyak ito. kaya naman kinausap niya. naiwan pla si Sarah ng school service nila. kaya naman ang ginawa ni Moe, sinamahan niya si Sarah hanggang sa masundo siya uli ng service niya. simula non naging magkaibigan na sila. sa tuwing may nang-aaway daw kay Sarah,lagi siyang pinagtatanggol ni Moe.
 
Japs: ah ganun pala. so si Sarah din ang first love ni Moe?
Sef: hindi. pero si Sarah ang first girlfriend ni Moe.
 
Japs: panu nangyari yun?
Sef: ewan ko nga dun kay Moe. basta ang naikwento lang niya saken nun, kaibigan lang tlaga ang tingin niya kay Sarah. yun lang.
Japs: ah okay.. so magkaibigan lang pala sila kung ganun.
Sef: ewan ko lang ah. pero sa tingin ko hindi lang sila basta magkaibigan… may iba pa silang nararamdaman sa isa’t isa maliban dun. ayaw lang siguro aminin ni Moe.
 

*beep beep*

sumilip ako sa may bintana, asa labas na pala si Sam.

Japs: naku andyan na si Sam. mauna na siguro ako.
 
Sef: ah sige.
Japs: puntahan ko lang sila Sarah para makapagpaalam ako.

kaya dumiretso na ko sa kwartong tinuro ni Sef.
 
kakatok sana ko kaya lang nakita kong bahagyang nakaawang ang pinto kaya sumilip na lang ako.
 

nagulat ako sa nakita ko.
 
si Sarah at si Moe. magkayakap! hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

Sef: ang tagal mo naman Julie.

biglang nagkalas sa pagkakayakap sina Sarah at Moe.
 

Japs: ah, Sarah.. at Moe.. mauna na pala ako. sige bye!

tumakbo na ko palabas ng pinto at ng gate.
 

Sam: lika na?
Japs: tara.

(Sam’s pov)

pinatakbo ko na yung sasakyan pagkasakay namin ni Japs.

Sam: kaninong bahay nga pala yun?
Japs: sa kaibigan nina Sef.
Sam: sino? kilala ko?
Japs: si Sarah. tingin ko hindi mo siya kilala. galing siyang states.
Sam: ah..

tiningnan ko si Japs.
 

Sam: okay ka lang?
Japs: oo.
Sam: sigurado ka?
Japs: oo naman.
Sam: kung may problema ka sabihin mo lang a.

nginitian niya lang ako pagkasabi ko nun.

ilang minuto pa ang lumipas at nakarating na kami ng dorm nila Japs.
hinatid ko siya hanggang sa may lobby nila.

Sam: okay ka lang?
Japs: oo.
Sam: sigurado ka?
Japs: oo naman. haha parang yan din yung tinanong mo saken kanina a.
Sam: hindi ka kasi mukhang okay.
Japs: wag kang mag-alala saken. ayos lang ako.
Sam: basta kung anu man ang mangyari, nandito lang ako ah.
Japs: salamat Sam.

niyakap ko siya at nagpaalam na ko.

(Julie’s pov)

mabuti na lang at kahit papano ay may tulad ni Sam..
hai.. nalungkot tlaga ako sa nakita ko kanina.

guard: ms Julie, may nagpapabigay nga po pala ata nito sa inyo.

sabay abot ni manong guard ng maliit na pillow.
 

Japs: kanino po galing?
guard: hindi ko rin alam e. iniwan na lang yan dito kanina.
Japs: sinong pong nag-iwan?
guard: hindi ko napansin e. pumunta lang kasi ako saglit sa may labas tapos pagbalik ko andito na yan.
Japs: ah ganun po ba. o sige salamat po manong.

umakyat na ko papunta sa kwarto ng mapansin ko na may nakadikit pa lang note sa likod.
 

"Sa bawat pagsubok, sa bawat problema
hindi ka nag-iisa, lagi mo ‘kong makakasama.”


hindi kaya galing to kay…


…kay Sam!
tama kay Sam nga!

nilabas ko yung celphone ko..

to: Sam

thank you Sam. you made me happy. sobra.
 


END OF CHAPTER 20

  1. allaboutjulieanne posted this
Short URL for this post: http://tmblr.co/ZiR_XvJX_yRI