Tsapter TWUWENTI - TU

ANG PAGTATAPAT

(Julie’s pov)

Moe: lalaki ka talaga?
Japs: oo nga sabi e! upakan kita gusto mo?
Moe: kung lalaki ka talaga, pahawak nga….

shet! pahawak ng ano?! pu+@@#$!

dahan-dahang lumapit ang mga kamay ni Moe sa mga dibdib ko.. pero bago pa niya ito mahawakan, mabilis kong iniyakap ang mga kamay ko sa aking harapan.
 

Japs: sira-ulo ka Moe! wag mong ituloy yan..
Moe: at bakit hindi?

naman! makaalis na nga lang! kaya naman tinalikuran ko na siya.

Moe: o san ka pupunta?
Japs: matutulog na ko.
Moe: dito ka lang.

sabay hawak sa kamay ko.

Moe: please..

ewan ko ba kung anong meron ang lalaking to at hindi ko maiwanan„

Moe: sorry na. hindi ko naman talaga gagawin yun. hehe..

tumingin siya sa gawi ko at pagkatapos ay ngumiti ng nakakaloko..

Moe: unless gusto mo tlagang ituloy ko..
Japs: dyan ka na nga!
Moe: joke lang.
  hehe ang pikon mo tlaga Japs. kaya ang sarap mo asarin e.

humarap si Moe saken sabay hawak sa mangkabilang balikat ko.. pagkatapos ay ibinaba niya ang manggas ng shirt ko..

Moe: ibaba mo nga yan.. malamig dito sa labas. baka mamaya niyan magkasakit ka.
Japs: salamat.

maya-maya pa pareho na kaming hindi nagsasalita. wala lang. ewan. basta ang tahimik namin pareho.
tiningnan ko siya. hindi ko alam kung anong meron dun sa tinatanaw niya, o kung meron nga talagang siyang tinatanaw.

Moe: ganda ng view mo noh?
Japs: ha?
Moe: masaya ka bang titigan ako?
Japs: hindi kita tinititigan a! kapal mo naman tlaga.
Moe: hahaha sabi mo e.

hmp! nakakainis naman. lago na lang niya kong nahuhuling nakatingin sa kanya.

Moe: alam mo ba kung gano na kami katagal mogkakilala?
Japs: ha?
Moe: umiiyak siya non. naawa tuloy ako, kaya naman nilapitan ko siya. tinanong ko kung bakit siya umiiyak. ayun, naiwan pala ng school bus nila.
 

mukhang alam ko na kung sinong tinutukoy niya.

si Sarah.

Moe: alam naman niyang paalis na yung sundo niya pero nakipaglaro pa rin siya. haha naaalala ko pa kung panu siya umiyak nun, ang cute niya.
Japs: bakit sinasabi mo saken yan.
Moe: wala lang. gusto ko lang malaman mo.
Japs: bakit?

nginitian lang niya ko. tapos tumingin uli siya sa malayo.

Moe: simula non, ako na ang laging takbuhan niya pag umiiyak siya, pag malungkot siya, o sa tuwing may nang-aaway sa kanya. tingin ko nga sa sarili ko noon ako ang tagapagtanggol niya.
Japs: mahal mo ba siya?

tiningnan niya uli ako. pagkatapos binaling na naman niya ang tingin niya sa malayo. maya-maya napabuntong-hininga siya.

Moe: oo. mahal ko siya.
 

sabi ko na nga ba e. dito rin mapupunta tong kwento niya. bakit ba nakikinig pa ko?

Moe: hindi mo lang alam kung gano ko siya kamahal. ayoko siyang makitang malungkot. nasasaktan ako pag may nang-aaway at nagpapaiyak sa kanya. mahal ko siya…

naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko.. pagkatapos ay muli na naman niya kong nilingon..

Moe: ..pero mas mahal kita..
Japs: ano? mm-mahal mo k-ko?
 

teka, pano ba to? ah alam ko na..

Japs: bwahahahahahahaha!
Moe: bakit mo naman ako tinatawanan?
Japs: alam mo ba Moe, yan na ang pinakamalupit at pinakaastig na joke na narinig ko galing sayo! ahahaha

sige Julie, tumawa ka pa.. kahit pilit, shet. kelangan mapapaniwala ko siya na natatawa ako sa sinabi niya..
kaya lang lalo pa niyang hinigpatan ang paghawak sa kamay ko.

Moe: seryoso ako.. ikaw ba Julie mahal mo rin ako?

teka..ayoko na ata nang tinatakbo ng usapan namen. mabuti pa umalis na lang ako.. kaya naman hinila ko na yung kamay ko mula sa pagkakahawak niya.

Japs: ah, sige Moe.. ah-ano kasi, uhm..matutulog na ko. medyo malalim na rin ang gabi.. gudnyt!

kaya naman tinalikuran ko na siya agad at mabilis na naglakad pabalik sa kwarto ni LY. kaya lang bago pa ko makalayo narinig ko siyang nagsalita..

Moe: Julie, hindi ko hinihinging sagutin mo yun agad. pero gusto ko lang malaman mo na seryoso ako. mahal talaga kita.



~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~



(kinabukasan..)

(Moe’s pov)

*katok*
 

LY: Moe!!!

ano ba naman yan, umagang-umaga istorbo to si LY..

*katok*

LY: MOE!!!! bumangon ka na diyan! tanghali na!

bumangon ako agad.
hala.. may pasok nga pala kami ngayon.

*katok*

Moe: ito na babangon na ko.. gisingin mo na si Japs. sabihin mo papasok na kami.

matapos makapagpalit ng damit, lumabas na ako agad ng kwarto.

LY: good morning Moe! mabuti naman at nagising ka na. alas-10 na.
Moe: asan na si Japs, gising na ba?
LY: yap!
Moe: o sabihin mo lumabas na siya agad, hintayin ko na lang siya sa kotse.
LY: nauna na siyang umalis. actually kanina pa nga siya wala dito e.
 
Moe: ano? e bakit hindi mo naman ako ginising? bakit hinayaan mo siyang umalis mag-isa?
LY: pano kita gigisingin e ako mismo tulog pa din nung umalis siya.
Moe: ha?
LY: ewan ko nga ba kung bakit ang agang umalis ni ate Japs. tinawagan na lang niya ko ngayon-ngayon lang at sinabi niya na nasa school na nga raw siya at nauna nang umalis. hai.. ano bang sinabi mo don? parang tinakasan ka e! ahaha
Moe: nagtapat na ko.
 
LY: really?! anong reaksyon niya? kinikilig naman ako!
Moe: tinawanan niya ko e.
LY: ahaha talaga? panu? kwento naman dyan Moe..
Moe: saka ko na ikukwento sayo. aalis na ko. sige bye.
LY: bye Moe!



~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~



3rd subject na ang inabutan ko.. hai naku naman.. yari na naman ako nito sa mga profs ko… teka asan kaya yun si Japs?

Sef: pare, busog ka ba? hindi mo ginagalaw yang pasta mo e. akin na lang! wahaha
Moe: hoy! akin na nga yan.. takaw mo..
Sef: ito naman… nga pala, bakit ka nga pala hindi pumasok sa 2 subjects natin kanina? tinamad ka na naman noh?
Moe: alam mo Sef, wag mo kong itulad sayo na hindi pumapasok pag tinatamad a.
 
Sef: o, e bakit hindi ka nga pumasok?
Moe: tanghali na ko nagising e.
Sef: ah.. tinamad ka nga.
 
Moe: ewan ko sayo.. balitaan mo na nga lang ako kung anng nangyari kanina sa mga hindi ko napasukan..
 
Sef: binalik na yung 3rd exam natin sa geology11. ang galing mo dude. isa ka sa highest.
 
Moe: o talaga? asan na yung exam ko? kinuha mo ba?
Sef: hindi e. binigay kasi ni prof kay sungit..

nabitawan ko yung hawak kong tinidor..

Sef: o bakit?
Moe: sinabi mo bang kay Japs niya binigay yung exam ko?
Sef: oo nga. o e bakit napangiti ka ata dyan bigla?
Moe: wala lang.. ahaha o sige una na ko sa dorm pare.
 
Sef: bahala ka na nga.
 

yes! wahaha ngayon nakaisip na ko ng paraan kung pano kami magkikita ni Japs .
 


to : Japs

"punta k s dorm now. dalhin mo ung exam paper q."

habang hinihintay si Japs, maliligo muna ako.
 ; )  
pagkatapos maligo saka ko lang nabasa yung reply ni sungit.
 


from: Japs

"tinatamad ako.2mrw nlng"

aba naman at nagreklamo pa to! matawagan nga..

Japs: hello?
Moe: hoy Japs, dalhin mo na dito yung exam ko. now na.
Japs: hindi mo ba nabasa yung txt ko. sabi ko tinatamad ako.
 
Moe: bilis na kasi. hihintayin kita dito sa dorm ah.
Japs: pero—
Moe: bye!


*katok*

sino kaya yun?

dorm mate: Moe may bisita ka sa baba. ang gandang chix!
Moe: talaga? ah sige bababa na ko. salamat pare.

lumabas na ako agad ng kwarto at bumaba para makita si Julie. naku naman talaga..kunwari pa si Japs na tinatamad siya yun pala andito na siya sa dorm..

asan na kaya siya? sabi nandito lang raw siya sa baba…

Sarah: Moses..
Moe: Sarah? anong ginagawa mo dito?
Sarah: pwede ba tayong mag-usap?
 
Moe: tungkol saan?
Sarah: dun na lang tayo sa labas.. okay lang ba?

hindi na niya hinintay pa na sumagot ako.. nauna na siyang lumabas at sinundan ko na lang siya..

tungkol saan naman kaya ang pag-uusapan namen?



(Julie’s pov)


ang kulit naman nung lalaking yun. sa totoo lang hindi naman talaga ako tinatamad e. ayoko lang tlaga siyang makita.. naguguluhan pa ko.
 


Moe: Julie, hindi ko hinihinging sagutin mo yun agad. pero gusto ko lang malaman mo na seryoso ako. mahal talaga kita.


waa!!!! ano ba yan?! bakit hanggang ngayon naririnig ko pa rin ang boses niya? paulit-ulit sa utak ko yung sinasabi niya na mahal niya ako..

totoo kaya yun? parang hindi kasi ako makapaniwala e. pano ba naman e lagi na lang niya akong inaaway at inaasar. ganun ba siya magmahal? naku wag na noh!

medyo malapit na rin ako sa dorm nila Moe. isang liko na lang tapos konting lakad.. tapos pagnakita ko na siya, iaabot ko na lang agad. tapos tatalikod na ko. tapos tatakbo!

wahahaha tama! ganun na lang. sa totoo lang kasi hindi ko pa ata siya kayang makita ngayon.
 

Sef: ui sungit! papunta ka bang dorm?

nakita ko si Sef paglingon ko..

Japs: ah oo e. pinapadala kasi ni Moe yung paper niya..
Sef: ah oo nga pala.
 
Japs: ikaw ba pabalik na rin sa dorm niyo? sabay na tayo.
Sef: ah hindi pa.. may date pa kasi ako. haha
Japs: ganun ba? okay.. sige mauna na ko.

tumalikod na ko sa kanya pero napalingon akong muli ng magsalita siya..

Sef: Japs, may namamagitan ba sa inyo ni Moe?
Japs: bakit mo naman natanong yan?
Sef: nakita ko kayo kahapon.. tinakbuhan niyo si Sarah nung papalapit na siya sa inyo.

nakita pala niya yun..

Sef: hindi ko alam kung anong meron sa inyong dalawa ni Moe. pero tingin ko may kailangan kayong pag-usapan..

tiningnan ko lang siya.. gusto ko sanang magpaliwanag pero para saan? wala naman talagang “something” sa aming dalawa ni Moe..

Sef: haha o sige mauna na ko. susunduin ko pa yung date ko..
Japs: ah.. sige ingat. bye.
 

naglakad muli ako papuntang dorm nila Moe.
 

sa wakas nandito na ko.. papasok na sana ako sa dorm kaya lang nakita ko si Moe.. at kasama niya si Sarah. kaya naman tumigil muna ako sa paglalakad at bahagyang nagtago para hindi ako makaistorbo sa pag-uusap nila.

Sarah: mahal na mahal kita Moses.

matagal ko nang naririnig na sinasabi niya to kay Moe kaya naman hindi na ko nagulat…pero ang hindi ko inaasahan ay nang makita kong hinalikan niya si Moe.

tumalikod na lang ako at tumakbo pabalik ng dorm namin.. at kasabay ng mabilis na tibok ng puso ko ay pagpatak na rin ng luha na galing sa aking mga mata…

ngayon alam ko na..


alam ko na ang sagot..


mahal ko siya.
 


(Moe’s pov)

hindi ko inaasahang hahalikan ako ni Sarah.
kaya naman naitulak ko siya..

Moe: Sarah tumigil ka na nga!


END OF CHAPTER 22

  1. allaboutjulieanne posted this
Short URL for this post: http://tmblr.co/ZiR_XvJamGxZ