Tsapter TWUWENTI - POR

SUGATANG PUSO

(Sam’s pov)

Japs: salamat Sam. salamat.

tumayo na kami mula sa pagkakaupo at nagsimulang maglakad palabas ng building.

Japs: wag mo na kong ihatid Sam.
Sam: sigurado ka?
Japs: gusto ko sin kasing makapag-isip-isip. andaming nangyari ngayong araw.
Sam: ikaw ang bahala.

tumigil na kami sa paglalakad at humarap sya saken.

Japs: ibabalik ko na nga pala sayo to.

hinawakan niya ang kamay ko at may inilagay siya sa aking palad…




~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~




kanina pa ko nakahiga pero hindi pa rin ako makatulog..

Julie, tama ka,..

andami nga talagng nangyari ngayong araw.






//FLASHBACK//





tiningnan ko ang relo ko. alas10 na pero wala pa rin si Julie. nasan na kaya siya? pangalawang subject na namen to pero hindi pa rin siya pumapasok.. nag-aalala na tuloy ako. maitxt na nga lang.

to: Japs

“gud mrning!
  ui asn k? bt d k p pumapsok? txt k agd pg ntanggap mo to a. nag-aalala aq sayo,”

*ring ring ring*

prof: class, didn’t i tell you to put you cellphones in silent mode during class hours? kung kanino man yan pakipatay na kagad.

*ring ring ring*

patuloy pa rin sa pagtunog yung celphone..

naku patay! mukhang galit na ata si prof. binaba na niya ang hawak niyang white board marker at humarap sa amin.
 

magsesermon na ata siya kaya lang may biglang nagsalita..

classmate: sir galing po ata yun sa bag ni Moe.
prof: where is mr. Magalona?

walang makapagsabi samen kung asan si Moe.. maya maya pa tumigil na rin sa pagtunog ang celphone ni Moe. kasabay nito ay ang pagpasok ni Sef.

Sef: sir sorry po. it was me whose calling Moe.
prof: and why are you calling him?
Sef: e sir kasi po kanina pa po siya wala pero itong bag niya e andito lang kanina pa, first class pa lang namin.
prof: i supposed he is just around the building. anyway, ikaw na lang ang mag-off ng phone niya and let’s just continue with our lesson.

naupo na si Sef at si prof naman ay muli nang humarap sa board..

naku nagvibrate ang phone ko. si nagtxt na pala si Japs. kaya naman patago kong binasa ang txt nyang yun para hindi naman ako pagalitan.

from: Japs
 

“cn we talk l8r? aftr class kya? my ssbihin lng akng impt.
 
btw, dnt wory. im fine. “

to: Japs

“cge pnt k nlng d2 aftr ng last class ntn. i hpe ur rily ok.”

kahit sinabi na niyang ok naman siya, hindi ko pa rin mapigilang hindi mag-alala..
 

i think she’s not ok.


~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~





sa wakas natapos na rin ang klase namen.

to: Japs

“asn k? tpos na class.”

kinakabahan ako. ano kayang importanteng sasabihin saken ni Japs?

from: Japs

“ndi q alm kung sang rum to, bsta nsa dulo ako ng building. mlpit sa mga lockers.”

naglakad na ko papunta sa dulo ng building. makailang kwarto rin ang sinilip ko bago ko natunton kung asan si Julie.

Sam: Japs..
Japs: maupo ka dito Sam.

sabay turo niya sa upuan na nasa harapan ng inuupuan niya. ano kayang problema?

Sam: Julie, okay ka lang?
Japs: Sam.. kasi..
Sam: i can see you’re not ok. mukhang kanina ka pa nga umiiyak e.
Japs: hindi naman masyado.
Sam: Japs, namumugto na ang mga mata mo. ito o..

at inabot ko sa kanya ang panyo ko.

Japs: wag na Sam. meron naman akong panyo.

kinuha ko sa kanya ang panyo niya..

hai.. kanina pa nga sya umiiyak. basang-basa ng ang panyo niya.

Sam: kita mo nga at pwede na tong pigaan sa sobrang dami ng luhang nandito..
Japs: sige na nga tatanggapin ko na yang panyo mo. salamat ah.
Sam: ano bang problema?

yumuko siya at umiyak..

Japs: Sam, im sorry..
Sam: bakit ka nagsosorry saken?
Japs: itigil mo na’ng panliligaw saken.

ano?

Japs: may iba na kong mahal.. patawad.
Sam: si Moe ba?

dahan-dahan siyang tumango.. sabi ko na nga ba..

Sam: e bakit ka umiiyak?
Japs: kasi hindi ako ang mahal niya.
Sam: panu nangyari yun e dati—
Japs: si Sarah. yung pinakilala ko sayo dati.. siya ang mahal ni Moe.
Sam: sigurado ka ba? baka naman nagkakamali ka lang?
Japs: hindi ako pwedeng magkamali.. ilang beses ko na silang nakikitang magkayakap at naghahalikan.

patuloy pa rin sa pag-iyak si Japs. niyakap ko siya at isinandal sa aking balikat.

Sam: tahan na Japs..
Japs: sabi niya saken mahal niya ko. .. pero hindi ko magawang maniwala dahil alam ko na si Sarah at hindi ako ang talagang mahal niya.
Sam: e pano kung nagsasabi siya ng totoo?
Japs: hindi! alam kong isa na naman to sa mga kalokohan niya. pinagti-tripan na naman niya ako. ang sakit sakit na Sam… nahihirapan na ko.

ako din nahihirapan na Julie.. kung alam mo lang kung gaano kita kamahal..

humarap siya saken at pinunasan ko ang mga mata niya,

Japs: pasensya ka na Sam. alam kong hindi ko dapat sinasabi to sayo.. pero wala na kasin akong mapagsabihan e. ayoko nang abalahin si Maqui. marami rin kasi siyang pinagkakaabalahan ngayon.
Sam: Japs, walang kaso saken to. baka nakakalimutan mong nauna tayong maging magkaibigan bago kita niligawan.
Japs: pero..
Sam: ayos ka na ba?
Japs: ayos na siguro ako.. mawawala rin to.. halika na.

tatayo na sana siya pero niyakap ko siya uli.

Sam: hindi. iiyak mo lang yan.. di tayo aalis dito hanggan’t hindi ka pa okay.

sa sinabi kong yun ay muling umiyak si Julie.

hai..
halo-halong emosyon ang ang nararamdaman ko ngayon.
 

heto ako’t yakap ang babaeng pinakamamahal ko. dapat matuwa ako diba?

pero hindi.

yakap ko nga siya. pero hanggan dun lang yun.
 

Julie, nahihirapan akong makita kang umiiyak at nasasaktan dahil hindi ka mahal ng taong mahal mo. kung sana’y ako na lang siya..

hai..

maya-maya pa naramdaman kong tumigil na siya sa pag-iyak. hinawakan ko ang magkabilang balikat niya at iniharap ko siya saken.

Sam: alam ko na kahit anong gawin ko hindi pa rin ako ang magiging laman ng puso mo.

dahan-dahan ay inilapit ko ang mukha ko sa kanya at masuyo ko siyang dinampian ng halik sa noo.

Sam: masakit man saken to, pero gagawin ko pa rin kasi mahal kita. at dahil mahal kita, titigil na ko..
Japs: salamat Sam. salamat.



//END OF FLASHBACK//





hai kapalaran nga naman„ dati kahit na sinong gustuhin ko madali ko lang napapasagot. minsan nga wala nang ligaw-ligaw pa. pero ngayon, kung kelan natuto na kong magmahal, hindi naman ako magawang mahalin ng mahal ko.

nakakainis talaga kapag pinaglalaruan ka ng tadhana. kinapa ko ang bulsa ko at kinuha mula dito ang isang bracelet.

hinawakan ko ito sa isang dulo at tinitigan.




//FLASHBACK ULET//





Japs: ibabalik ko na nga pala to sayo.

hinawakan niya ang kamay ko at may inilagay siyang sa aking palad..

isang bracelet!

teka.. ito yung binigay kong bracelet sa knya dati.

Sam: Julie bakit mo binabalik saken to? sayo na to. binigay ko na yan sayo.
Japs: pero gusto kong ibalik.
 
Sam: Julie..
Japs: Sam, itago mo yan. pag nahanap mo na ang babaeng totoong para sayo, ibigay mo yan sa kanya.
Sam: pero ikaw—
Japs: hindi ako Sam. hindi ako. naniniwala akong may babaeng darating sa buhay mo na aalagaan ka at totoong magmamahal sayo.. yung babaeng magiging deserving sa pagmamahal mo.

lumapit siya saken at niyakap niya ko.

Japs: salamat Sam. sana maging magkaibigan pa rin tayo.
Sam: oo naman. basta kung kelangan mo ko wag kang mahihiyang magsabi. alam mo naman kung saan ako mahahnap.

kumalas na siya sa pagkakayakap at ngumiti saken. tumalikod na siya pagkatapos at naglakad palayo..


//END OF FLASHBACK//




hai Julie.. mukhang matatgalan bago kita makalimutan..


END OF CHAPTER 24

Short URL for this post: http://tmblr.co/ZiR_XvJb6eCy