Tsapter TWUWENTI - PAYB

NOW YOU KNOW

(author: nasa dorm si Japs. )


(Julie’s pov)

ilang araw na rin ang nagdaan mula ng huli kaming mag-usap ni Moe. matapos kasi ng araw na yun ay hindi na talaga niya ko pinapansin. pag nagkakasalubong nga kami, ni sulyapan ako hindi niya ginagawa.

naninibago ako..

pero ito naman ang gusto ko hindi ba? e bakit ako nalulungkot? hai..

nahiga na lang ako at niyakap ang unan na bigay ni Sam saken.

Maqui: hoi bestfriend..
Japs: bakit?
Maqui: hindi ka na naman mapakali dyan a. iniisip mo si papa Moe noh?
Japs: papa Moe ka dyan? hindi noh! bat ko naman iisipin yun?
Maqui: weehh..
Japs: Maqui, hindi ko siya iniisip at mas lalong hindi ko na siya iisipin pa!
Maqui: asus…

tumingin ako kay Maqui..

Japs: MAQUI!!!!
Maqui: haha!! okay okay! o di hindi na.  sabi mo e, 
Japs: talaga!
Maqui: haha 

bakit ba ko tinatawan nitong kaibigan ko? parang baliw na ata e.

tiningnan ko uli ang unan na yakap-yakap ko. pagkatapos ay pinisil-pisil ko ito. tapos pinagsususuntok. at hindi pa ko nakuntento! binalibag ko pa ito sa dingding na malapit sa kama ko.

Maqui: hoi bestfriend, adik ka na ba?
Japs: waaahhh!!!!!
Maqui: adik ka na nga.
Japs: Maqui, nagtatanggal lang ako ng stress okay? suportahan mo na lang ako.
Maqui: hai naku… sinaktan mo na nga siya, pati ba naman yang unan na bigay niya sayo sinasaktan mo rin..
Japs: ano?
Maqui: wala.
Japs: meron e..
Maqui: wala nga.
Japs: ang mabuti pa siguro ibalik ko na lang ito sa kanya.
Maqui: anong ibabalik mo kanino?
Japs: itong unan. sabi ko ibabalik ko na lang to kay Sam.
Maqui: e bakit kay Sam?
Japs: e kasi po siya ang nagbigay nito saken. kaya sa kanya ko syempre ibabalik.
Maqui: pero—

*katok katok*

napatingin ako sa gawi ng pintuan at tinungo na ito pagkatapos.

*katok katok*

Japs: sandali.

binuksan ko na ito at nakita ko ang aking dormmate. 

Japs: oi bakit?
dormmate: may naghahanap sayo sa baba.
Japs: sino? lalaki ba?
dormmate: hindi. babae yun e. LY daw ang pangalan niya.

si LY? anong ginagawa niya dito?

Japs: a sige salamat. bababa na ko.

tumingin ako kay Maqui at..

Japs: iwan muna kita a. kakausapin ko lang si LY.

bago ko sinarado ang pinto ay nakita kong tumango at ngumiti pa saken si Maqui.

pababa pa lang ako ng lobby namen pero tanaw ko na si LY. hindi niya pa ko nakikita dahil nakatalikod siya saken.

Japs: LY.. kumusta?

lumingon siya pero hindi sumagot. sa halip ay ngumiti lang saken.

LY: halika ate. upo ka dito sa tabi ko.

umupo ako sa tabi niya at niyakap niya ko.

Japs: LY, anong ginagawa mo dito?
LY: anong nangyari sa inyo ni Moe?
Japs: alam mo na pala…
LY: bakit nagkaganoon? okay naman kayo diba?

pano ko ba sasabihin? okay naman talaga kami ni Moe e. kung hindi lang dumating si Sarah.

Japs: alam mo kasi LY, masyadong kumplikado e. 
LY: bakit naman? 
Japs: hindi ko pwdeng sabihin sayo..
LY: pero mahal ka niya. mahal ka ni Moe. ngayon lang siya nagkaganito ng dahil sa babae.
Japs: LY, hindi ako ang mahal ng kapatid mo. 
LY: hindi totoo yan. ako na ang nagsasabi sayo, makinig ka saken ate. mahal ka niya. mahal na mahal.

hai.. magkapatid nga sila. pareho silang makulit.

Japs: pinapunta ka ba niya dito para kausapin ako?
LY: wala siyang alam sa pagpunta ko dito. kusa akong pumarito para kausapin ka.
Japs: LY, kung pumunta ka dito para pag-ayusin kami ng kuya mo, sinasabi ko sayo ngayon pa lang na imposible nang mangyari yun. masaya na ako na wala siya sa buhay ko. at tingin ko naman ay ganun din siya.

napabuntong-hininga si LY.

LY: tama nga siya. hindi ka nga marunong makinig.

ano daw?

habang sinasabi niya ito ay binuksan niya ang kanyang bag at may kinuha mula rito.

LY: sayo na yan..

sabay abot niya saken ng isang maliit na kahon.

Japs: ano to?
LY: hindi ko rin alam. pero nung huli kaming magkausap ni Moe, ang sabi niya itapon ko na daw yan.
Japs: e kung sinabi niyang itapon mo na to, bakit mo ‘to ngayon binigay saken?
LY: kasi alam kong para sayo yan. 
Japs: ano ba to?
LY: hindi ko alam.
Japs: anong gagawin ko dito? e ni hindi ko nga alam kung anu to.

inikot-ikot ko ang kahon na bigay ni LY. napansin ko na mukhang lalagyan ito ng kung anu man na hindi ko alam. inalog-alog ko ito at sa tingin ko ay may maliit na bagay na nasa loob nito.

LY: sabi ni Moe, hindi na daw niya kailangan yan. wala na raw kasi siyang pag-asa sayo kaya ipinapatapon niya yan saken,
Japs: alam mo LY, itapon mo na nga lang to. dahil unang-una, iyon ang sabi sayo ng kapatid mo. at pangalawa, hindi ko naman mabubuksan ito e. 

umiling-iling si LY pagkatapos ay sinabi niya to..

LY: mabubuksan mo yan,. 
Japs: pero pano? ni hindi mo man lang kinuha ang susi nito para naman at least makita ko ang laman.
LY: mabubuksan mo yan. maniwala ka… ikaw lang ang makakapagbukas niyan.
Japs: pero pano? naguguluhan ako..

tumayo na siya at ni hindi man lang sinagot ang tanong ko. 

Japs: aalis ka na?
LY: oo. mauna na ko. 
Japs: pero pano to? anong gagawin ko dito?
LY: buksan mo. 
Japs: hindi nga—
LY: mabubuksan mo yan. maniwala ka..

at pagkatapos nito ay naglakad na siya palabas ng dorm.. ako naman, eto at naguguluhan pa rin. 

mabuti pa siguro umakyat na lang ako sa kwarto ko. 

pagpasok ko, nakita ko si Maqui na nakatitig sa unan na bigay ni Sam saken.

Japs: oi matunaw yan. haha
Maqui: kung balak mong ibalik ang unan na yan sa nagbigay sayo, hindi si Sam ang tamang taong pagbabalikan mo. 

ano bang sinasabi nito ni Maqui? parang napakawirdo niya ata ngayon.

Maqui: hindi si Sam ang nagbigay niyan sayo. 
Japs: kung hindi siya, e sino?

tiningnan lang ako ni Maqui.

Japs: wag mong sabihing si…
Maqui: siya nga. si Moe ang nagbigay niyan sayo. natatandaan mo ba nung araw na pumunta ka kina Sarah, tinxt ako nun ni Moe. sabi niya ilagay ko daw yang unan sa bandang lobby para makita ng guard at ibigay sayo pagbalik mo. 
Japs: bakit hindi mo sinabi saken agad yan Maqui?
Maqui: ang gusto niya kasi siya mismo ang magsasabi niyan sayo. alam mo ba, matagal ka na niyang gusto. nung panahong pinabigay niya saken ang unan na yan, dapat kinabukasan nun magtatapat na siya sayo. kaya lang e biglang dumating yung Sarah. kaya ayun, hindi niya muna tinuloy. 
Japs: pero si Sarah… sigurado akong nagkabalikan na sila. 
Maqui: sigurado ka ba talaga?
Japs: oo. kasi—
Maqui: kasi nakita mo silang magkayakap? kasi nakita mo silang naghahalikan?
Japs: mismo! kaya nga sigurado akong nagkabalikan na sila!
Maqui: Japs may itatanong lang ako sayo, binigyan mo na ba ng chance si Moe na magpaliwanag sayo? pano kung mali ang mga nakita mo? nung nakita mo silang magkayakap, sigurado ka bang magkayakap sila o si Sarah lang ang talagang nakayakap kay Moe? nung makita mo silang naghahalikan, pano kung sabihin ko sayong si Sarah lang ang humalik sa kanya? Julie, hindi lahat ng akala mong totoo, ay totoo. 
Japs: Maqui bakit mo sinasabi saken yan?
Maqui: gusto kong itama ang mga maling akala mo tungkol kay Moe. mali ang interpretasyon mo sa mga nakikita mo. kaya ngayon, heto ka at nahihirapan. 
Japs: Maqui naguguluhan ako.. hindi ko na alam kung anong dapat kong isipin. nalilito na ko kung ano ang totoo at kung ano ang hindi.

nilapitan ako ni Maqui at niyakap..

Maqui: Julie.. alam kong mahal mo si Moe. at mahal ka din niya. maniwala ka. 

kumalas ako sa pagkakayakap ni Maqui saken.

Japs: Maqui, okay lang ba kung iwan mo muna akong mag-isa? gusto ko kasing mag-isip-isip.
Maqui: okay lang. alam mo, yan ang pinakamabuti mong gawin ngayon. 

tumayo na si Maqui at naglakad papunta sa pinto. bago siya lumabas ay tumingin muna siya saken.

Maqui: kung kelangn mo ng kausap txt mo na lang ako a. 
Japs: salamat Maqui.

at lumabas na nga si Maqui. 

naguguluhan na talaga ako., kung totoo ngang mahal ako ni Moe, bakit hindi ganun ang nakikita at nararamdaman ko?

tiningnan ko ang unan na nasa kama at ang maliit na kahon na hawak-hawak ko pa pala.

Maqui: siya nga pala mahal ka nun. ang tinutukoy ko ay yung nagbigay ng unan na yan. mahal ka nun panigurado. maniwala ka saken.

waaa!!!!!! nakakabaliw na to! 

buong akala ko si Sam ang nagbigay ng unan na to, pero hindi pala. kay Moe pala to galing. 

at itong kahon na to, panu ba talaga to binubuksan? 

LY: mabubuksan mo yan. maniwala ka… ikaw lang ang makakapagbukas niyan.

waa!!!!!!!! nakakabaliw na talaga to!!!

teka, sinabi ko na yun kanina a!? waa!!! nababaliw na ko!!

"you’ll always be a part of me..
i’m part of you indefinetely…”


teka, nagriring yung phone ko! 

pagtingin ko sa phone ko, nakita kong unregistered number yung tumatawag saken.

sino kaya to?

Japs: hello? sino to?
Sarah: ako to Julie. si Sarah.

siya pala..

Japs: kumusta? napatawag ka?
Sarah: magpapaalam lang ako. babalik na kasi ako sa states. 
Japs: ganun ba? happy trip a. sana makabalik ka uli dito sa pilipinas.
Sarah: syempre naman babalik ako. kaya lang baka matagalan…kaya nga gusto ko sanang hingin ang email address mo. para naman may communication pa rin tayo kahit papano! at para ma-add kita sa friendster, mulitiply, facebook at twitter!! hahahaha
Japs: haha sige eto e-add ko.

at sinabi ko nga sa kanya ang email address ko.

Japs: ano naman yung sa’yo?
Sarah: may papel ka ba dyan? isulat mo na lang..
Japs: a sige. sandali lang ah.

tumayo ako at humakbang papunta sa study table. kinuha ko yung notepad mula sa drawer nito. kaya lang may sumabit ng kunin ko yung notepad ko.

yung kwintas na galing kay Moe.

nahulog ito sa sahig kaya naman pinulot ko ito at ipinatong sa ibabaw ng study table. isinulat ko na rin ang email adress na sinabi ni Sarah pagkatapos.

Sarah: pasensya ka na kung hindi man lang ako nakapagpaalam sayo ng personal. biglaan na rin kasi e. kahit nga sina Sef at Moe tinawagan ko lang.

teka nga lang..! kung aalis siya,. pano si Moe?

Japs: teka, aalis ka?iiwan mo si Moe dito? pano na siya?
Sarah: haha pano na siya? mabubuhay siya ng wala ako. at isa pa, hindi naman ako ang kailangan niya e.

muli kong kinuha ang kwintas at tiningnan ito ng maigi.. galing to kay Moe. isang silver necklace na may pendant na susi.. 

Moe: ingatan mo yan a. susi yan ng isa sa importanteng bahagi ng buhay ko,.

Japs: pero pano nangyari yun? hindi ba’t umuwi ka ng pinas para balikan si Moe?
Sarah: tama ka. pero akala ko kasi may babalikan pa ako. pero wala na pala, …

hindi ako makapagsalita.. naalala kong muli ang sinabi ni LY kanina.

LY: mabubuksan mo yan. maniwala ka… ikaw lang ang makakapagbukas niyan.

Sarah: nung nagkausap kami ni Moe kanina, sinabi niya saken ang lahat ng nararamdaman niya para sayo. hindi niya ko mahal. Julie.. ikaw ang mahal niya.

teka lang.. ang susi na pendant sa kwintas na to, hindi kaya ito ang susi na makakapagbukas sa maliit na kahon na bigay ni LY?

Sarah: Julie andyan ka pa ba?
Japs: ano nga ulit ang sinabi mo?
Sarah: ang sabi ko, ikaw ang mahal ni Moe. hindi ako Julie. ikaw ang mahal niya.

oh my god!! kung ganun, maaaring ito nga ang susi sa kahon na yun!

Japs: Sarah, salamat!! mabuti na lamang at tinawagan mo ko. malinaw na saken ang lahat. 

binaba ko na ang phone matapos namin magpaalam sa isa’t isa. pagkatapos nito ay mabilis kong tinungo ang kama kung san naroroon ang kahon.

ito nga kaya ang susi na makapagbubukas nito?

ipinasok ko ang susi, at sa isang pihit lang, bumukas ito!

kinuha ko ang papel na nasa loob nito at binasa ang nakasulat..


CONGRATULATIONS!!!!

siguro habang binabasa mo ito ay nagtatalon ka na sa galak dahil boyfriend mo na ko. ahaha hindi naman kita masisisi dun, sino ba naman ang hindi matutuwang magkaroon ng boyfriend na kasing gwapo, kasing talino at kasing bait ko? ahaha kaya ikaw! napakaswerte mo!

joke lang!

sa totoo lang mas maswerte ako dahil sinagot mo ko, ibig sabihin non mahal mo rin ako. pero hindi ka naman lugi saken. syempre mahal na mahal naman kasi kita! ahaha

sya nga pala, gawin mo na ding pendant yung singsing na nasa loob nitong kahon. ingatan mo rin yan a! pamana pa yan saken ng lolo ko! ahaha

yun lang naman,. mahal kita.

Moe



habang binabasa ko ang liham na yun ni Moe ay napaiyak ako.. kung ganon, ang singsing na ito ay ibibigay niya pala dapat saken matapos ko siyang sagutin..


tama ang sinabi nilang lahat..



Sam: e pano kung nagsasabi siya ng totoo?


Maqui: Julie.. alam kong mahal mo si Moe. at mahal ka din niya. maniwala ka. 


LY: ako na ang nagsasabi sayo, makinig ka saken ate. mahal ka niya. mahal na mahal.




naniniwala na ko…


Moe: Julie, seryoso ako. mahal talaga kita.


mahal nga niya ko!

dali-dali kong kinuha ang singsing at inilagay ito sa kwintas bilang isa ring pendant.

tumayo ako at kinuha ang celphone sa ibabaw ng study table.

kelangan ko siyang tawagan..

*kring kring*

Moe.. please sagutin mo…

*kring kring*

Moe: hello sino to?

sino to? hindi na ba naka-save number ko sa celphone niya? di bale, at least sinagot na niya..

Moe: hello? sino to?!

Japs.. magsalita ka… kaya mo yan..

Moe: hoy ikaw! kung mang-iistorbo ka lang pwede bang—
Japs: Moe asan ka?!


END OF CHAPTER 25

Short URL for this post: http://tmblr.co/ZiR_XvJb8aLz